Chapter 37

1 1 0
                                    

Fine the field.
____________

Calius Zormake POV'S

Ito na ang pangalawang araw ng huling suspension ko. Sabik na sabik na akong bumalik sa laboratory.

Binabayaran naman kaming mga doctor at sayantipiko depende sa ranggo namin.

At dahil ako ang Vice President ay malaking halaga ang bayad sa trabaho ko.

20 billion dollors per moth

At si President. Luci naman ay binabayaran ng 30 billion dollars per month.

Kahit na wala naman siyang ginagawa at nanonood lang ng funny videos mag hapon dahil nga isip bata siya ay kumikita siya ng ganon kalaki.

Si Venice rin ay kumikita na kada buwan ngunit maliit pa lang ang kinikita niya.

99 million dollars per month.

Hindi ko nga rin alam kung gaano na karami na rin ang pera ko sa banko.

Halos wala rin naman kase akong masyadong pinag kakaabalahan at pinag tutuunan ng bagay.

Hindi ako yung taong Materialistic.
Pupunta ako ngayon sa Extra ordinary plant shop.

Sa shop na ito ay maraming kakaiba at nakakatakot na halaman, puno, bulaklak at iba pa.

Ang mga kakaibang halaman dito ay sanhi ng isang eksperimento na ginagawa nila. Kung baga ay para nilang inuupgrade ang mga halaman para mas tumagal pa ito.

Iniwan ko muna sina Julia at Angela sa bahay. Naiinis ako sa kanila. At dahil wala naman akong ginagawa ay nag pasya akong pumunta sa shop na tinutukoy ko.

Ito na rin naman ang huling araw ng suspension ko.

Gusto ko nga rin sanang isama si Venice kaso super busy raw siya at pinag kakaabalahan pa niya ang human tester niya. Gagawin niya raw ang lahat para mag tagumpay na magawa niyang isang immortal ang isang mortal.

Hindi dinadapuan ng sakit, at kayang mabuhay ng walang hanggan.

Nandito na ako sa shop.

Binuksan ko ang pinto, narinig ko ang bell sa pag bukas ko.

"Welcome...." Bati saakin ng isang Matanda.

Si Henry.

"Musta Henry...?." Ang tagal-tagal ko rin siyang hindi nakita dahil sa busy ako sa trabaho. At pag hahanap ng lunas kung pano mababalik ang Earth sa dati nitong lagay.

Lumalala na rin kase ang Earth. Nag kasakit ito at minsan ay sumisingaw na rin ang lupa na nag mumula sa mainit sa core.

"Nag Pakita ka ren sakin..tagal na noong bumisita ka para bumili.." Inaayos ayos pa niya ang gloves niya na may roong kaunting lupa.

37 Years to the last FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon