Satisfied.
__________Harvey POV'S
Pag katapos kong kausapin si lolo Nicholas ay parang nag dalawang isip ako.
Lolo ba ng lolo ng lolo ko?
Katulad ko ba siya at kakayanin ko bang kumitil ng buhay dahil lamang sa Napaka tagal na away.
Totoong mortal na mag-kaaway sila.
_____
Kasalukuyan akong nag lalakad patungo sa condo ni XZ. Nakita ko si Pres. Luci na nanggaling kung saan.
Nginitian niya ako ng nakakabaliw at parang iniinsulto ako.
Sinundan ko siya. Napaka ganda ni Luci pero mas maganda si Venice.
Gusto kong komprontohin siya.
"Sandali...huminto ka.!!." Ngunit hindi siya tumitigil at tumatalon talon pa sa pag lalakad.
Lumiko ako ng lakad at binilisan ang aking lakad. Napa yukom na lang ang aking dalawang kamao. Dahil sa mga kinikilos niya.
"Hindi ka ba nakokonsensya!.." Tumigil
siya sa pag lalakad. Marahan siyang humarap saakin.Isang metro lang ang layo namin sa isat isa.
Naasar na ako.
Palagi nalang siyang ngumingiti at ipinapakita saakin ang ngipin niyang napaka puti.
"No." Mabilis na sagot nito. Tinaasan niya ako ng kilay at dinilaan ako.
Isip bata ba siya?
"President ka pa naman...bakit mo ginawang ipapatay si Venice?!." Napalakas ang boses ko at ngiti ngiti lang siya at parang wala lang na nagagalit ako.
Humakbang siya ng ilang hakbang hanggang unti-unti nilapit niya ang bigbig niya sa aking tenga.
"Hindi naman big deal yon.. Hahaha. Mamamatay rin siya, pinaaga ko lang hahaha..."
Binulong niya ang mga katagang iyon malapit saaking tenga. Pinigilan ko nalang ang sarili ko at baka masaktan ko pa siya.
Tinalikuran na niya ako.
"Bye....Harvey." Napabugtong na lang ako.
Napaka lamig ata ngayon.
Ahhh....kailangan ko pa palang ibalita Kay XZ ang nangyari.
Didiretsyo na sana ako ngunit napatigil at parang bumagal ang oras. Hindi ko pa nga alam kung paano ko sasabihin at ipapaliwanag sa kanya ang masalimuot na naganap sa misyon nila ni Nicholas.
Nakita ko siya...
Nakatingin saakin at parang nangangatog ang mga tuhod niya.
Walang emosyon ang mukha niya. Ngunit ang kaliwang mata niya ay lumuluha.
Ano kayang nararamdaman niya.
Nakatingin lang siya saakin. Parang na shock siya sa narinig. Walang emosyon ang mukha niya.
Ngayon ko lang siya nakita na ganon. Kakaiba ang awra niya, nakakatakot ang pakiramdam ko.
Agad akong tumalima at lumapit sa kanya.
"Kuya....
"Anong nangyari kay Venice...bakit wala pa soya hangang ngayon?." Malumanay na tanong niya. Nangangalumata ang mata niya at namumuo na ang mga luha niya.
"Naaksidente si Venice... sa Volcano Artopea...sumabog na ito at kritikal ang lugar.. Patay na siya..." Hinimas ko ang likod niya upang kaunting mapagaan ang loob niya.
"X-XZ...ayos ka lang..." Tanong ko.
Diko mapaliwanag ang reaksyon ni XZ. Hindi ko mapaliwanag kung malungkot ba ito o bagong gising.
Napaka dungis niya at mukhang galing sa kung saan.
"Ayos lang ako Harvey... Don't mind me." Kita ko ang lungkot sa mata niya. Aalis na sana ako ngunit nag taka ako
"Good...news namatay na rin si Venice..wala na akong palamunin at pabigat sa aking condo."
Yumuko nalang ako at sinang ayunan siya.
_____Tumungo ako sa aking lab. Walang tao dito dahil ipaalis ko ang ibang mga sayantipiko.
Ang ninanais ko muna ay makapag isa.
Hindi ko inaasahan na ganon ang sasabihin ni XZ. Akala ko ay mag wawala siya...iiyak ng iiyak at mag lulupasay.
Pero nag kamali ako.
Mukha pa nga siyang masaya at tuwang tuwang dahil hindi na niya makakasama ang batang pinalaki niya.
Venice....Namimiss ko na yung aso ko.
Dumukdok ako sa aking desk. At pinatungan ang aking ulo ng maraming libro.
Tinago...tinatago....tinatago ko ang aking emosyon. Bakit ang hirap kalimutan si XZ.
Napaka masalimuot ang naging dahilan kung bakit namatay si Venice.
Dumausdos siya sa paanan. Hindi siya tinulungan ng aking lolo.
Alam ko na may pag asa pa na mabuhay sjya kung tinulungan ni Nicholas si Venice.
Nag hihingalo siya habang unti-unting dumidikit ang nag babagang putik sa maputing balat niya.
Napaka masalimuot kung iisipin na buhay pa pero nasunog....
Sana kung nasaan man si Venice ok lang siya. At sana rin ay ma guilty manlang sina Pres. Luci at lolo Nicholas.
Hindi mahirap mahalin si Venice. Napaka bait niya ngunit matalak lang.
Bakit ba ako umiiyak..
Kung nandito lang si Venice ay pag tatawanan niya ako at sasabihin na
"Ang panget mo namang umiyak."
Nahihirapan na ako. Mag papahinga muna ako sandali..
BINABASA MO ANG
37 Years to the last Future
Science FictionAno'ng magiging reaksyon mo kung aksidenteng napunta ka sa isang mundo. Isang mundong bago sa paningin mo. Malaki ang pinagbago sa kasalukuyang teknolohiya. Lumago na rin ang ekonomiya. Lumilipad na ang karamihan at nag bago na ang kapaligiran. Ako...