CHAPTER 16: Noticed

5.9K 198 58
                                    

CHLOE’S POINT OF VIEW

“Eyy! Eyy!”

Masayang sigaw ng mga kasama ko dito sa living room ng bahay nila Tito. Well, party party kami dito eh.

“Salamin, salamin sa dingding nasa’n ang pag-ibig~”

Kanta ko habang may mga nagsasayawan sa gitna, natatawa na lang kami nila Ranzi dahil ang likot ng mga sumasayaw na ka-age lang din namin.

“Salamin, Salamin kailan niya ba ako papansinin~”

Pagpapatuloy ko, hindi ko alam na mga blooms din pala sila. Kasi iba talaga pagkahyper ng mga tao dito sa living room habang kumakanta ako.

After ko kumanta ng Salamin ay binigay ko na yung mic sa iba dahil medyo napapagod na ako magpaka-BINI rito,  need ng aking boses magrest.

Napansin ko naman si Ash, nilapitan siya ni Ate Angel. Nasa may bandang stairs sila, nag-usap saglit bago yayain ni Ate Angel sa dining area si Ash.

Nung nakaalis na sila, I went to Ranzi na busy sa phone niya na nasa gilid.

“Ash is here, I think nandito na rin si Alexis. Let’s go.”

I said to her, bumangon naman si Ranzi sa pagkakaupo sa may solo couch.

Pumunta kami agad sa kwarto ni Alexis. For sure may kailangan yun i-chika samin kasi kasama niya si Ash umuwi eh. Exciting...!

Pagdating namin sa pintuan ay pinihit ko agad yung doorknob ng kwarto ni Alexis.

Papasok na dapat kaming dalawa ni Ranzi nang biglang sumigaw si Alexis kaya nagulat kami.

“I’m not gonna entertain her, Ate please! Nahihiya na ako sa kanya.”
She screamed, nagkatinginan kami agad ni Ranzi dahil sa sinabi ni Alexis.

“I just freaking confessed to her!”

“What? confess?”

My jaw dropped when I heard what she said, tumingin ako sa kanya na nakaupo sa higaan niya. Nakatalikod siya samin kaya hindi niya siguro alam na kami pala tong pumasok.

Tumingin agad si Alexis nung marinig niya ang boses ko. Sabi ko na eh, may chika to. Mukhang mainit-init pa talagang tsaa to, nagconfess daw eh.

“What the...?” She was shocked.

“What?! You confessed? Eh di ba si Henry yung crush mo?” Nagugulohan na tanong ni Ranzi.

“How could that happen? Akala ko ba nakamove on ka na?”

“Baliw, pano yan magmomove on eh first love niya yun.” Pang-aasar ko.

Puppy love ng babaeng to si Ash since highschool tapos super protective ba naman tong si Alexis kay Ash.

“I’ve moved on, okay? And all I said was that I liked her before.” She responded.

Ang Masungit Na President (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon