CHAPTER 34

0 0 0
                                        

Sa aming pag lalakad ay nahinto kami sa isang maliit na bahay. Anong lugar to! Squatter area. lahat nang bahay ay gawa sa bubong, may iilang gawa sa Simento pero hindi ganun kaganda.

Halos lahat nang nakakasalubong namin napapatingin saamin. Ang daming taong nasa labas. Kaliwat kanan ang tambay nang mga kalalakihan may mga nag iinuman may mga batang nag tatakbuhan. At may mga nag lalaba pa sa labas.

Putek ang daanan kaya ang puti kong sapatos ay nadudumihan na. Kung alam ko lang na ganto pala ang pupuntahan namin ay sana nag itim na sapatos nalang ako.

Sa ilang beses na pag katok ni Dyz. Sa kahoy na pintuan na maliit na bahay na hinintuan namin. Ngayun lamang lumabas ang isang ale halang kakatapos lang maligo.

Kita ko ang gulat sa mata niya nang makita si Dyz. Taka niya naman akong tinignan.

"Dyzzer iho" Nakangiti niyang Niyakap si Dyzzer na parang kilalang kilala niya ito.
"Napadalaw ka... At may kasama kapang babae ha!...Shota mo ba yan? maganda naman" Sunod sunod na sambit nang ale. Habang sinusuri ako.
Wait...What? Shota... Hindi ito ang unang beses na narinig ko yan pero.. Shota ko? si Dyzzer?

"Nakooo tita hindi...Ang totoo niyan..." nahihiya siyang kumamot nang ulo bago tumingin saken.

"Halina pumasok muna kayo.." Pinadaan kami nang ale para makapasok. Sa mahabang upuan na gawa sa kahoy at may sapin na parang basahan ay umupi kami. Maliit lamang ang bahay nila...May maliit na kusina. Ngunit kung titignan ay malinis...Hindi tiles at tanging rinolium lang ang sapin.

"Pasensiyahan nyo na ang bahay ko, maliit lang.." aniya tsaka kumuha nang tubig mula sa maliit na ref.

"Ayus lang po tita.. Hindi rin naman po kaming nag tatagal..." pag sasalita ni Dyz. Dahilan para lumingon ang ale samin. naglakad siya tsaka inilagay ang dalawang tubig sa maliit na lamesang nasa harap namin.

Ang mata niya ay nanatili saken. Pamilyar saken ang mga mata niya. I think I've saw it...

"Ano nga ba't naparito ka iho... At sino ang kasama mo?" aniya. saka ako sinulyapan. lumingon ako kay Dyzzer na nakatingin din pala saken.

"Tita..." huminga siyang malalim
"Siya si Cassandra Louise Xionin..."

"Sino nga iyan iho?" halata ang pag kairita niya.

"P-pamangkin nyo po" halos sabay na nanlake ang mata namin nang sinasabi ni Dyzzer na tita ko. tita?

"Ano kamo?" halos di siya makapaniwala.

"Siya po ang anak ni tito Relando at tita Fattyma" Mas maayos na sabi ni Dyzzer. Kaya pala parang pamilyar saken ang mga mata niyang hugis nang saaken na may pag ka singket.

"Totoo ba ito?" ngayun ay napalitan nang tuwa sa labi nang tita ko? nag uumapaw din ang tuwa sa dibdib ko. Ngayun ay nararamdaman ko na ang pangungulila.

Agad akong tumayo na may ngiti sa labi.

"T-tita ko po k-kayo?" hindi ko halos masabi nang maayos dahil sa luhang nag babadya dahil sa sayang nararamdaman ko.

"Kay tagal kitang hinanap" aniya saka ako niyakap agad. sa pag kakataong ito ay nagtuluan ang luha ko. Ang pangungulila ko sa totoong pamilya ko ay nararamdaman ko. Halos nabuhayan ako sa pag kakataong may iisa pa pala akong pamilya.

"Tulad nang iyong ina, talagang napaganda mo. Sobrang saya ko nakilala kita sa habang panahon" may luha na rin sa mga mata niya. ang tuwa sa kaniyang mata ay nag uumapaw. Binigyan niya ulit ako nang mahigpit na yakap bago lumayo.

"S-sobrang saya ko po dahil nakilala ko kayo. Kayo na totoo kong pamilya" masaya kong usal.

"Ganun din ako...Salamat Dayser" Aniya sa maling pronounsation sa pangalan Ni Dyzzer. Bumaling ako kay Dyz. Nakangiti samin.

EVERY THING WILL ENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon