Dyzzer P.O.V
Nauna kami nakauwi sa bahay nila. Odette
Odette san ko ba tong ilalagay yung mga pinamili niyo? tanong ko habang bitbit ang mga pinamili namin kanina sa mall.
yung mga damit palagay nalang ako sa kwarto ko tapos ako na dito sa mga pagkain. Nakangiting sagot niya tsaka naunang pumunta sa kusina.
Umakyat ako at pinasok ung mga damit na pinamili niya kanina. paalis na sana ako nung may sumagi sa mata ko na frame sa book shelves niya. Nag lakad ako Papunta doon para makita. Gulat akong kinuha ang frame tinitigan ko muna. pinikit pikit ko pa ang mata ko baka sakaling namamalikmata ako.
"bakit sila mag kasama ni tita Fattyma at tita Clair?" bulong ko sa sarili ko hindi ako makapaniwala. mag kaibigan ba sila? pero wala naman sakin na kwekwento si Tita na may kaibigan siyang Crimson.
"Si mommy yan at tita Fatty!" nagulat ako sa pumasok na si Odette. pero ang mas kinagulat ko kung bakit tita Fatty lang ang tawag niya kay tita Fattyma!
"M-mag kaibigan ba sila?" hindi ko na pigilan ang pag tatanong ko! Umiling naman siya na kinakaba ko
"She's my tita! kapatid yan ni mommy!" bakas parin ang lungkot sa mga mata niya! nag lakad siya papunta sa sofa habang ako nakatitig parin sa Frame at nakatayo.
"Since nag ka asawa si mommy nahiwalay na siya kay tita Fatty. Hanggang sa di na nila alam kung nasan napunta si tita noon. wala pa kami dito sa Canada nung nag kahiwalay sila." pag kwekwento niya habang nakaupo at nakatingin sa malayo. Umupo naman ako sa tabi.
"Hindi na ba hinanap ni tita Clair yung kapatid niya?" tanong ko ulit. Huminga siya nang malalim bago mag salita ulit.
"She Still finding tita Fatty. Until now. Nung buhay pa si mommy hindi siya nag sawang hanapin yung kapatid niya." Malungkot ngunit nakangiting sambit ni odette. Pano pag nalaman niya na yung babaeng nag palaki sakin ay siya yung kapatid ni tita Clair? ibig sabihin Pinsan niya si Spade what the hell I'm so fucking crazy
"Bakit kaba interesado? do you know her?" kinabahan ako sa tanong ni Odette ayaw kong mag salita at baka madulas ako at masabi ko.
"n-no I'm don't know her. Actually ngayun ko nga lang na incounter yung mommy mo eh!" alam kong bakas sa mga boses ko ang kaba pero hindi ko yun pinahalata kaya ngumiti ako.
"kayo ha anong ginawa nyo dito!" sabay kming napatayo ni Odette sa biglang pag pasok ni Sandra kasunod si Cliend
"A-anong ginagawa ka dyan bessy wala no. Nag uusap lang kami dito" pag dedepensa ni Odette bigla namang natawa si Sandra
"deffensive ah tara na kakain na tayo nandun na silang lahat!" natatawa paring sambit niya tsaka nag lakad palayo sila ni Odette. Tumingin sakin si Cliend bago sana siya umalis pero pinigilan ko siya
"Can we talk?" tumingin muna siya kayla Sandra na derederetso paring nag lalakad.
"Yeah" tipid na sagot niya.
nag lakad ako papunta sa Book shelves kung nasaan ko nilapag ang Frame.
"May kapatid ba si tita Fattyma?" deretsong tanong ko sa kniya napansin kong nagulat siya kaya nag smirk ako.
"She do--" pinutol ko yung sasabihin niya
"Liar!" sigaw ko sa kaniya. Walang tao. Kaya paniguradong walang nakarinig!
"What are you talking about? na nag sisinungaling ako?" halata sa boses niya na naiinis na siya pero hindi ako nag patinig tumalikod ako at kinuha ang Frame na mag kasama si tita Clair at tita Fattyma!

BINABASA MO ANG
EVERY THING WILL END
RomanceSabi nila pag nakita mo na daw yung taong para sayo magiging masaya kana daw kasi siya na daw hanggang dulo but for me EVERY THING WILL END, lahat natatapos, lahat namamatay, lahat nag sasawa, lahat iiwan ka, every second,minute,hrs pwede pwede kang...