CHAPTER 33

2 1 0
                                        

Halos masira ang cellphone ko sa higpit nang pag kakahawak ko.

Anong ginagawa niya dito? nakita niya kaya ako? pero hindi. Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

Nabasag ni Doctora ang titigan namin.

"You know each other?" Tanong ni doctora tsaka naupo sa kaniyang upuan.

"Yes--" pinutol ko agad ang sinabi ni Dyzzer.

"Malayong kaibigan" pag tatama ko. Naramdaman ko ang madiing titig ni Dyzzer saken ngunit di ko siya nilingon. Sumenyas si Doctora samin na maupo.

Naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko. Hindi pwedeng may makaalam. Ayoko ko.

"Ahm.. Doctora p-pwedeng s-sa susunod na araw nalang tayo mag usap. May Importante kasi akong kailangan puntahan" arte ko habang natingin sa cellphone kong kunwari ay May nag text.

"Are you sure Ms. Sandra?" tanong niya.

"Opo.... S-sige po mauna na ko" nag madali akong umalis. Ramdaman ko ang habol na tingin nila saken. tinakbo ko ang haba nang hallway makalayo lang sa opisinang iyon.

hindi pa ko handang humarap sa kanila. Pag nakikita ko sila nabalik saken ang saket. Hindi ko kaya. Ayoko ulit maramdaman.

Narating ko ang sakayan nang taxi sa labas agad akong nag para. Lumingon muna ko sa paligid baka nasundan ako ni Dyzzer ngunit wala. Baka wala na siyang pakealam saken. Maybe yes. Nagawa nga nila kong lokohin.

Di parin natigil ang kalabog nang puso ko. Akala ko handa na kong makita sila. Hindi parin pala.

They destroyed me. Hindi ko sila kayang patawarin. Masiyadong sarado ang puso at isip ko para pakinggan sila.

Bumaba ako sa malapit na restaurant sa tabi nang building nang condo ni Renz. Naramdaman ko ang pag vibrate nang cellphone. Isang tao lang ang may alam nang numero ko.

"Hello" bungad ko habang ang paningin ay sa nag dadaang mga sasakyan.

"Where are you?"

"Lumabas lang ako para kumain"

"Ganun ba. Sabay na tayo. Hintayin mo ko dyan, Nag dadrive na ko" Sabi niya. Nangiti naman ako. Hindu niya talaga ako nakakalimutan.

"Osige, Drive safety. Hintayin nalang kita sa loob mag papaorder nalang ako" Sabi ko tsaka pinatay ang telepono.

"Boyfriend mo?" Isang pamilyar na boses ang nanggaling sa likod ko. Halos mag tayuan ang balahibo ko.
"Nakalimutan mo na ba kami?" Naramdaman ko ang lakad niya papunta sa harap ko.

Seryoso ang kaniyang mukhang nakatingin saken.

"Layuan mo ko" sabi ko tsaka mag lalakad na sana papasok ng building nang pigilan niya ko.

"Alam namin. Alam ko may kasalanan kami. Nag kamali kami. Pakinggan mo muna ako" sabi niya. Piniglas ko ang kamay ko sa kamay niya.

"Pakinggan? Dyzzer? talaga?... Baket nung pinag sinungalingan nyo ko.. Alam nyo ba kung ano ang mararamdaman ko?" Ayan na naman ang nag babadyang luha sa mata ko. I hate Being like sandra. Being soft hearted. Pagod na ko. Pagod na kong masaktan.

"Kahit ako lang...Kahit ako lang muna ang pakinggan mo Sandra.. Gusto kong ipaliwanag ang side ko" nag mamakaawang usal niya. Talagang hindi ko kaya pag nakikitang may nag mamakaawa sa harap ko. Yan ang kahinaan ko.

Hindi ko siya pinansin. Nag lakad ako papasok nang building. Tulad nang inaasahan ko sumunod din siya.

"Sir, ID po" tanong nang guard kay Dyzzer. tumingin saken si Dyz.

EVERY THING WILL ENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon