DYZZER P.O.V
Tahimik na nakaupo ang lahat sa harap ng burol ni tita Clair. Nakakalungkot lang na. Nawala na si tita,
"Dyzzer" napalingon ako sa sa kaliwa ko ng nag salita si Sandra. Kanina pa siya dyan pero ngayon lang siya nag salita. Lubos din kasing nasaktan si Sandra sa nangyari
"Anu yun?" tipid na tanong ko! nang hindi siya tinitignan
"Pwede bang ikaw ang kumausap kay Odette na pakainin siya. Ilang araw na kasi siyang hindi nakain nag aalala ako para sa kaniya!" bakas sa mga mata niya ang pag aalala, Pero bakit ako? bakit hindi siya bakit hindi yung daddy niya o hindi kaya sila selene at Friea bakit ako pa, mag tatanong na sana ako nung makita ko si Spade na nakatingin sakin. mapapasubok talaga ako pag siya na yung tumingin eh.
"S-sige" tipid na pilit na sagot ko.tsaka tumayo.
Minsan ang sarap pag buhulin ng mag jowang yun eh, kala nila may utusan sila, Pero syempre joke lang yun baka mapalayas ako nang wala sa oras eh, pumunta ako sa kusina, para kumuha ng pag kain ni Odette. Sana maging ayus din siya. I really hope so.
Uumakyat ako sa kwarto ni Odette.pinakinggan ko muna bago ako kumatok. Pero nakaka isang katok palang ako
"I don't want to eat. Please leave me alone, just leave me" sigaw niya mula sa loob.Rinig ko ang pag iyak niya. Kahit minsan inaaway ako ni Odette hinding hindi ko talaga siya papaiyakin, nakakabakla yun ah!
Ah bahala na nga makapasok na magalit na kung magalit ayaw kong mapalayas no!
"I said lea---" hindi na natuloy ni Odette yung sasabihin niya nung ako yung nakita niyang pumasok sa kwarto niya. Nilapag ko ang tray sa lamesa niya tsaka umupo sa kama niya. Nakatingin naman siya sa ginawa ko. Hindi siguro siya makapaniwala.
"Anong ginagawa mo dito!" kita ko ang lungkot sa mga mata niya! maga na ang mata niya! gulo gulo ang bohok niya at malaki na rin ang eye bags niya! ang layo niya sa kilala kong Odette. Sobra
"Hinatiran kita ng pag kain! balita ko kasi hindi kapa kumakain!" nakangiting sambit ko. Bka sakaling ngumiti rin siya pabalik. Pero bigo ako...Umiwas siya sakin ng tingin. At dali daling nag talukbong ng kumot
"Hindi ako gutom! just leave me alone I want to be alone just for now please. Leave me!" iyak parin siya ng iyak! bakit ganto! bakit ang sakit para sakin na makita soya ganyan, hindi lang ba ako sanay! I really hate this fucking feelings
"pero Odette, hindi sapat na dahilan ang hindi mo pag kain! pag nag mukmuk kaba dyan sa isang tabi! babalik yung mga taong gusto mong bumalik? Pag ba umiyak ka dyan ng umiyak. Maiibsan mo ung sakit at hirap na naramdaman mo?" pangangaral ko sa kaniya. Medyo naiinis na ko kasi Ayaw ko ng ganto siya hindi ako sanay
bumuntong hininga ulit at nag salita ulit
"Odette wake up! nasa realidad tayo oh. Hindi na babalik yung mga taong inaakala mo na babalik pa, oo mawala sila just because they want to leave For a reason, pero Odette. Hindi natatapos yung buhay mo kung may mawala man sayo! Kailangan mo nga dapat maging matatag Imbis na mag mukmuk umiyak ka dyan! dapat ipakita mong kaya mong maging malakas sa lahat! Your mom Always See you. At alam kong hindi siya matutuwa kung makikita ka niyang ganyan!"
hindi ko napigilan ang sobrang pag aalala ko samahan mo pa ng inis dahil sa nang yayari sa kaniya ngayun! tumayo ako at walang lingon lingon na nilisan ang kwarto niya!
"Oh Dyzzer anong nang yari sayo at naka busangot ka dyan?" salubong na tanong sakin ni Jax pag baba ko
"Oh Dyzzer nanjan ka pala kanina kapa hinahanap ni Tito Rodolfo"
Singit ni Friea mula sa likod ni Jax. Tinanguan ko lang sila tsaka nag patuloy sa pag lakad. Hindi ko alam kung saan ako ipapadpad ng paa ko!
BINABASA MO ANG
EVERY THING WILL END
RomanceSabi nila pag nakita mo na daw yung taong para sayo magiging masaya kana daw kasi siya na daw hanggang dulo but for me EVERY THING WILL END, lahat natatapos, lahat namamatay, lahat nag sasawa, lahat iiwan ka, every second,minute,hrs pwede pwede kang...