EPILOGUE

0 0 0
                                        

Dyzzer P.O.V

Hampas ng hangin sa mga puno at huni ng mga ibon ang naririnig ko sa gitna nang katahimikan. We're in the cemetery.

Pinag masdan ko ang mukha niya. Ang ganda niya. Kahit nandyan siya. Totoo ngang God always has a reason.

Nilapitan ko si Spade na tulala na nakatingin sa harap ng kabaong niya. Mula kaninang hinatid ang kabaong dito ay hindi na umalis si Spade sa harap niya. I know spade how much he loves her.

"She need to rest. She's tired to see you having in that situation" mahinang sabi ko. Hindi siya kumibo. Nanatili ang mga paningin niya sa kabaong.

Hanggang sa dumating ang mga taong mag bababa ng kabaong. Limang tao. Sabay sabay nilang binuhat iyon para mailagay sa pag bababaan ng kabaong. Hindi parin gumagalaw si Spade.

"Meron ba kayong isasama sa hukay?" Tanong ng isang lalake na nag bubuhat.

"Yes" bigla akong napalingon sa pag sasalita ni Spade. Halos lahat ng nandito ay nag tinginan sa kaniya.

"Sasama ako. Ako nalang. Ako nalang please" rinig ko ang sakit sa boses niya.

"Spade"

"Apo"

Iilan pa kaming tumawag sa kaniya. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

Hanggang sa umiyak ng batang si Aron ng dahan dahan ng ibaba ang kabaong narinig ko rin ang hikbi ng iilan.

"Ma maaaa" hagulhol ng bata. Pilit siyang kumakawala sa lolo niya. Until Spade move and he carried Aron. Walang imosyon ang mukha niya.

"K-kuya. Si mamaaa. K-kuyaa" hagulhol parin ng bata. Hangang sa natapos ang pag baba at isa isang tinapon ang bulaklak sa hukay.

"Oh jusko anak. Masakit parin saken. H-hindi ko kaya. Akala ko tanggap ko na" lumapit ang matanda pero agad siyang hinarang ng mga kalalakihan.

Napaluhod ang matanda habang yakap ang picture frame ng anak.

"Tumayo ho kayo dyan" lumapit si Odette at pinilit na itinatayo ang matanda. Tumayo naman ito.

Natapos ang pag tabon sa kabaong hindi kumikilos si Spade. Hawak niya ang batang nahikbi parin.

"Condolence, Spade" maya mayang pag sasalita ni Jax. Kasunod si Nyx.

"Condolence Spade," si Friea at Selene naman. Na pati sa matanda ay nakipag usap.

May iilan pang nakiramay na kaibigan ng mama ni Spade. Nakiramay tsaka sila umalis. Tanging kami nalang ang naiwan. Si Jax, Nyx, Friea, Selene, Odette. Family of Sandra won't come. Dahil babantayan si Sandra para sa heart transplant mamaya.

"Spade, are you okay. Kanina kapa walang kibo" mahinahong pag tatanong ko. Bumaba ang bata dahilan para kumilos si Spade.

Sa halip na sagutin niya ko ay iniwan niya ko at nag lakad sa puntod ng ina. Katabi ng puntod ni tita Fattyma iyon.

Lumuhod siya at sandaling tumitig sa mga bulaklak. Kitang kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata.

"Mauna na kayo" pag sasalita niya.
"Mauna na kayo" lumakas ang pag kakasabi niya. Dahilan para wala na akong magawa. Kailangan niyang mag isa. Ayoko man na iwan siya. Gusto ko na samahan siya pero alam kong hindi siya magiging comportable.

"Isasama nalang namin sila Aron. Sumunod ka agad Spade. Kailangan ka ni Sandra." Yun lang ang sinabi ko tsaka ako nag martsa paalis.

"Si Spade?" Tanong ni Selene.

"He need to be alone. Hayaan muna natin siya. Susunod rin yan." Sabi ko. Nag si puntahan na kami sa mga sasakyan namin. Sinabay ko si Lolo at si Aron along with Odette.

EVERY THING WILL ENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon