Tumawag si Annie sakin kagabi tinanong kung kamusta daw ang Interview ko.Then i told her everything.Hindi nya kasi alam na ex ko ang boss nya.
I still can't stop thinking about what happened yesterday.
After how many years nakita ko ka rin sya...
I really miss him.Kung pwede ko lang syang yakapin kahapon ginawa ko na.Kung pwede ko lang sanang sabihin kung gano ko sya na-miss.Kung pwede ko lang sanang sabihin na hanggang ngayon mahal ko parin sya.
But,do he still love me?
Pero alam kong galit sya sakin.At napakasakit nun para sakin.Ang taong mahal mo,kinamumuhian ka.
At kasalanan ko naman kung bakit naging ganito ang nangyari.At oo,Galit rin ako sa sarili ko,dahil hinayaan kong ganito ang nangyari.Pero alam kong di ako nagsisi sa ginawa ko.
I did this,for us.Kahit sobrang sakit palayain ang taong mahal mo.
——————————
Gumising ako ng maaga kinabukasan para maghanap nanaman ng trabaho.
Pero kakain muna ako ng breakfast.Hindi na kasi ako nakapag-dinner kagabi kakaisip.
Kasalukuyan akong kumakain dito sa carinderia ng mahagip ng mata ko ang newspaper na nakakalat lang sa lamesa.
'Hiring secretary under Montenegro Company'
Wala na akong sinayang na pagkakataon at dali-daling tinapos ang pagkain ko.Mahirap na at baka pag may makuha sila agad.
I was about to enter the building when the Security guard asked my name.
"Uuh Krystal po.Krystal Parker" i said with a smile on my face.
Pero nawala agad 'yon ng sabihin nya na bawal akong pumasok.
"P-po?pero bakit po? Naghahanap lang po ako ng trabaho kasi nakita ko hiring sila ng secretary.Sige na po manong papasukin nyo na ako parang awa nyo na." Bakit naman bawal akong papasukin?Criminal ba ako?May nagawa ba akong hindi maganda?
"Nako ma'am pasensya na pero bawal talaga.Napagutusan lang ho."
Yung iba naman pinapapasok nila pero bat ako hindi?
"Manong baka hindi naman po ako yun.Wala naman po akong ginawang masama sa buong buhay ko ah." Pagpipilit ko parin.
"Mas mabuting umalis nalang kayo ma'am.Sinasayang nyo lang ho oras nyo dito."
Wala na akong ibang nagawa kundi umalis nalang at maghanap ng bagong ma-aaplyan.
Nakakapagtaka lang talaga kung bakit hindi ako pwedeng pumasok 'dun.Ano bang meron?May nakaaway ba ako sa isa sa mga nagtatrabaho dun? At iutos sa boss nila na wag papasukin ang isang tulad ko?
Argh,sumasakit na ulo ko kakaisip.
Tinuon ko nalang ng pansin kung san ako mag aaply.
Ng makahanap na ako,papasok na sana ako sa building ng harangin ako ng dalawang guard.
"Miss pangalan nyo muna."Pangalan nanaman?
"Krystal Parker po."Nagkatinginan silang dalawa ng marinig ang sinabi ko.
"Sorry miss bawal 'kang pumasok dito."
What? Nanaman? Ano ba talagang meron?
Nakakainis na ha."Ha?Ano?bakit po?" Kahit na naiinis pinilit ko paring maging mahinhin ang boses ko.
"Napagutusan lang miss." Napagutusan? At sino namang maguutos sainyo nyan? Yung boss nyo? At sino namang maguutos nyan sa boss nyo ha? Akin nga at kausapin ko yang boss nyo.Nanggigil ako ha.
Buti nalang at sa isip ko lang nasabi yun.Mahirap na baka gumawa pa ako ng eksena dito.
Umalis nalang rin ulit ako nagpahinga sa isang tindahan.
Sino 'bang gago ang maguutos nun sa mga boss nila? Tinusok ko ba ng lapis nung elem ang mga boss nila? May galit ba sila sakin?Sa pagkakaalam ko mabait ako tao at wala naman akong kaaway at alam kong walang may galit sakin.
Then it hit me.
Denver...
BINABASA MO ANG
Obsessed
Romance[R-18] some scenes are not suitable for young readers. Meet Denver Dixon Sullivan one of the most hottest,youngest,richest CEO all over the world. He is a Ruthless man with a Greek God face and body until he met Krystal Parker that have an a Angelic...