Chapter 11

1.3K 21 1
                                    


Weeks have passed at okay naman ang naging trabaho ko sa Coffee Shop na Espresso Express.May mga naging kaibigan rin naman ako doon dahil madali silang pakisamahan.Assistant ni Denver ang nakahanap ng trabaha ko.Hindi nga talaga nagbibiro si Denver sa sinabi nya na wala dapat ni-isang lalake sa pag ta-trabahuan ko dahil wala talaga! He is insane.

Wala paring nagbago samin ni Denver.Ganun parin ang trato nya sakin pero wala akong magagawa duon.Ngunit minsan lang kami magkita dahil madalang lang syang umuwi sa mansyon.Minsan ay umuuwi lang sya pag madaling araw na.

Masyado atang busy sa trabaho.Pero sana naman pagpahinga sya kahit mga ilang oras lang.Dapat hindi nya binabad ang sarili nya sa mga papeles na inaasikaso nya.

Hindi ko pa pala nasasabi na lumipat na kami ng tinitirihan.Mas malaki at eleganyo ang mansyon na ito.Mabuti rin at hindi na ako nag-iisa dahil may mga katulong dun,mga bodyguards,drivers at ang kaisa-isang butler na si Joe.

Kinuha ko ang aking damit sa locker ko at nagpalit na ako ng isang over-sized t-shirt na tinuck-in sa kulay pink na skirt na pinaresan ng isang Fila.Ito iyong binili ni Anna nung nag shopping kami bago ako maghanap ng trabaho.May girls-night-out kunno kami ni Anna,nasabi nya rin sakin na may isasama raw syang kaibigan nya para daw tatlo kami.Syempre ay pumayag naman ako.Minsan lang ako magpakasaya kaya susulitin ko na.

Tinignan ko ang orasan may 20 minutes pa bago matapos ang work ni Anna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Tinignan ko ang orasan may 20 minutes pa bago matapos ang work ni Anna.Umupo na muna ako sa coffee shope na pinapasukan ko habang naghihintay.

Bigla kong naalala si Denver.Shit hindi pa pala ako nagpapaalam.Baka mamaya pumunta iyon dito ng wala ako.Tinawagan ko sya pero cannot be reached ang number nya.Tinextan ko nalang sya para kahit papaano alam nya na may pinuntahan ako.

To Denver:
     Denver wag mo na akong ihatid,may pupuntahan kasi kami ng kaibigan ko mamaya.Uuwi rin ako agad.

Sent.

Hindi ko alam kung papayag sya o hindi.Pero kahit na hindi sya pumayag,gagawin ko parin ang gusto ko 'ano.This is my life and i can do whatever & anything i want.

Napatayo ako ng matanaw ang sasakyan ni Anna na palapit dito.Lumabas na ako para ready na agad mamaya.

"Krystal!!" Sigaw nya at binigyan ako ng isang malaking yakap.

Tinignan nya ang kubuuan ko. "You're so pretty talaga!"  napatawa naman ako dun.Ilang beses na nyang sinasabi sakin yan dati pa ngunit di parin tumitigil hanggang ngayon.

"Asan pala yung isa nating kasama?"Gusto ko kasi magkaroon ng maraming kaibigan kaya di ko maiwasang maexcite.

"Nasa sasakyan na.Let's go?" aniya.

Pagpasok ko ay natanaw ko ang isang babaeng naka-earphones.Maputi ito at may piercing sa kanyang ilong na nababagay naman sa kulay pula nyang labi.

Maputi ito at may piercing sa kanyang ilong na nababagay naman sa kulay pula nyang labi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Krystal this is Maddy.Maddy this is Krystal." ani Anna.Tinaas niya ang kamay para makipag-shake hands at tinanggap ko naman.

"Omg Krystal! Anna is right,you're literally so beautiful!"

"Thank you,You too." Ngiti kong sabi.

"Let's party!!!!!" nagulat naman ako sa sigaw ni Anna.Napahawak naman ako dahil pinaandar na ang sasakyan nya ng napakabilis.

Madali kaming naging-close ni Maddy.Habang nasa sasakyan ay naguusap lang kami.Palabiro din pala ito at tawa lang ako ng tawa sa mga pinagsasabi nya.Base kasi sa kanyang itsura ay para itong mataray ngunit hindi naman pala.

                   ~~~~~~~~~~~~
"Ano ba yan Anna,Hindi mo naman sinabi sakin na sa Bar tayo pupunta." reklamo ko dahil dinala ba naman ako sa isang Bar! First time ko to kaya hindi ako sanay na may mga nag me-make out jan sa paligid,mga babaeng kulang nalang ay hindi na magdamit at mga usok ng cigarilyo.

"Bes,ngayon lang to ano ka ba! Please pagbigyan mo na kami! Boring dito pag umalis ka!" pagpipilit nya habang naka pout.

"Hindi alam ni Denver na sa Bar ako pupunta at tsaka wag ka ngang mag pout nakakadiri!" biro ko.

Sumimangot ito na kinatawa ko naman.

"Krystal,pleaseeee?" pagpipilit ni Maddy.

Saglit akong nagisip.Pano ko ba matitiis ang dalawang to.

"Hay,sige na nga." sabi ko na kinatuwa naman nila.Sabay pa silang nag Yes na parang nakajackpot.Pumayag na ako.Ayaw ko namang mag mukhang KJ.Besides,ako na mismo ang nagsabi sa sarili ko na You only live once.Kaya gusto ko ng subukan ang mga di ko nagagawa sa buhay.Sayang naman dahil hindi ko ito nagawa nung college ako.Kaya ngayon ay babawi na ako.

Te-textan ko sana si Denver para ipaalam na nasa Bar kami kaso pagtingin ko sa cellphone ko ayaw itong mag on! Deadbat ang phone ko.

Makikitext nalang ako kay Anna pero sabi nya ay hindi daw dala nito ang cellphone nya at si Maddy naman ay wala daw load.

Shit! Pano na to.

Nagisip ako.

Hayaan mo na Krystal,na-text mo naman sya kanina kaya you don't need to worry.

Tama,wala dapat akong ibang isipin ngayon kundi sarili ko lamang.

I want this night to be perfect with my girls.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon