Chapter 9

1.5K 23 1
                                    



NAGISING ako dahil sa araw na sumisilaw sakin.

Naalala ko ang nangyari kagabi.
We did it.We freaking did it!Panaginip ba yun?

Sya ang nakauna sakin.Nakita nya ang kabubuan ko.

Uminit ang pisngi ko dahil sa naisip.

Nagtaka ako kung bakit may mabigat na bagay na naka-patong sa aking bewang.

Tinignan ko ito napagtanto na kamay pala ito ni Denver na naka pulupot sa bandang tiyan ko.

Super lapit namin sa isa kaya di ko maiwasang tignan si Denver.

Bakit ganun? Umagang-umaga napakapogi nya.Kung titigan mo ito parang anghel ngunit nagiging demonyo naman ito pag gising.Pero alam kong hindi talaga ganun si Denver.Nadala lang sya galit sa nagawa ko.I think? Or talagang nagbago na sya?

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay nya at baka magising ito.Lagot na at baka parusuhan nanaman ako nito.

Naisipan kong lutuan sya ng breakfast.Why not? Para naman maganda ang umaga niya.

At.. at baka mabawas bawasan naman ang galit nya sakin?

Success at hindi sya nagising sa paggalaw ko.

KAKATAPOS kong magluto ng umagahan at handa na ang lahat ng marinig ko ang sunod sunod na malalakas na kabog sa hagdan.

Nakita ko si Denver na gulo gulo pa ang buhok at di pa sya masyadong nakapagayos base sa kanyang itsura.Wala rin itong panitaas dahilan para makita ko ang kanyang 6 packs abs.

Ang halay mo na Krystal.Sabi ko sa isip ko.

Nagmamadali ito at hindi mapakali at parang may hinahanap na ewan.

Kunot noo syang tumingin sa paligid ngunit nawala rin yun ng dumako ang tingin nya sakin.Naging maamo ang mukha nito ng makita nya ako.

Dali dali syang pumunta sakin at niyakap ako ng napakahigpit.Tipong di na ako makahinga sa higpit ng yakap nya.Nagulat naman ako dun.

"Damn i thought you left me again." sabi nya habang ang kamay nya ay pataas baba sa aking buhok.

"You wouldn't escape right? Dito ko lang sakin diba? Don't leave me,hindi ko kakayanin." parang nahihirapang sabi nya.

Naguguluhan ako.Anong nangyayari? Bakit biglang bumait itong si Denver?

Ako na ang tumapos sa yakap namin at sinalubong ang kanyang tingin.

Hindi ko sinagot ang kanyang tanong at iniba ang usapan. "Let's eat?" sabi ko at binaling ang tingin sa lamesa at umupo na.

PATULOY lang kami kumakain.

Binasag nya ang katahimikan at nagsalita."I will be arriving home late tonight" sabi nya.
"Don't escape." dagdag nya pa at iniwan akong nakatunganga sa hapag-kainan.

Tila para bang hindi sya yung Denver na kausap ko lang kanina.


PAGOD akong humilata sa couch dahil sa paglilinis sa buong bahay.Wala kasing katulong dito.Sayang naman at wala akong makausap.Nakakalungot tuloy dahil magisa ko lang dito.

Hindi ko namalayan ang oras at mag gagabi na pala.Naalala ko ang sinabi kanina ni Denver sakin.Panigurado ako na napakabusy nun ngayon sa kanyang trabaho.

Masaya ako at nakamit nya ang kanyang pangarap.Ang maging isang CEO ng kanilang kompanya.Napangiti ako ng mapait ng maalala ang nakaraan.

Napagdesisyusan ko nalang na magluto ng pang-gabihan.

Kakatapos kong kumain.Nais ko sanang hintayin si Denver sa kanyang pag uwi.

Nilibang ko nalang ang aking oras habang hinhintay si Denver.Nanood na lamang ako ng kung ano-ano.

Nakailang movies na ako ngunit wala paring Denver na dumadating.Tinignan ko ang oras at 12:30 na pala.Nagaalala naman ako sakanya at baka napano na yun.

Lumabas ako at tinignan kung may paparating ba na sasakyan at baka sya na yun ngunit ni isang ilaw ng sasakyan ay wala akong nakita.

Baka madami pang aasikasuhin.
Sabi ko sa isip ko at umupo na lamang sa couch.

Napadilat ako at di ko namalayan na nakatulog pala ako kakahintay.Tinignan ko ang orasan at 5 am na pala baka andito na si Denver.

Pumunta ako sa kwarto namin ngunit walang tao dun.Sinilip ko ang bathoom baka nagbabakasakaling naroon sya ngunit wala parin.

Bumababa ako at pumunta sa kusina pero ni anino ni Denver ay wala akong nakita.

Hindi parin ba sya umuuwi?

Sana naman tinawagan nya ako or kahit message manlang para hindi na ako naghintay.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon