Chapter 27: The Reason

65 8 5
                                    


2 months and 3 weeks later...



Nandito ako sa terrace sa mansion ni Lola Cecyl. I am alone and enjoying the presence of the wind. Sobrang dami nang nangyari after namin makabalik dito sa Pilipinas. Si Coraline ay nag apply na for the training para sa flight attendant at 3 days na siyang wala sa bahay. Dahil nasa Westville siya for her training and I think she'd be gone for like 6 months.



Si Papa naman ay nagbabalak na mag tayo ng isang business. Hindi naman siya ganoon kalaking business pero pwede na. Isang franchise ng McDo. I don't know when he's gonna start but he's still planning about it. Si Mama naman ay nagbabalak na mag online selling ng kung ano ano. She wants to have a job pero gusto niya 'yung sa bahay lang siya.



Si Tito Emerson naman ay na promote as a Manager in his company. Si Tita Paula naman ay tutulungan din si Mama for online selling. Si Carlos naman ay may bagong siniseryosong babae. Soon daw, makikilala rin namin 'yung babaeng 'yun. Si Ate Amira naman ay mas lalong sumikat at na featured siya sa isang TV show sa Channel 7. Naikwento doon kung ano ang buhay niya at paano siya nag start maging DJ.



Sa loob ng almost 3 Months. Napakadaming nangyari at maraming blessings ang pumasok.



I have plans na rin and soon y'all gonna find out.



After ni Theodore umalis sa Australia. Dalawang linggo kong nakachat noon si Jace. He's nice too like Theodore. Nung nalaman niya may something sa'min ni Theodore. Tinigilan niya na rin ako sa pagsasabi ng kung ano ano sa akin. Dahil wala kaming communication ni Theodore. Si Jace ang source ko sa mga ginagawa ni Theodore. Busy si Theodore sa pag asikaso sa Northville Mall dahil siya na nga owner noon. Pero after noon, nawala na rin si Jace. Hindi ko na siya mahanap sa facebook. Nawalan na rin ako ng koneksyon sa kanya. At tuluyan ko nang hindi nalaman ang galaw ni Theodore.



" Maya! Kakantahan na natin si Lola! " Tawag sa'kin ni Ate. Pumasok naman ako sa loob at abalang abala ang lahat sa pag punta sa kanya kanyang pwesto.



68th Birthday ni Lola Cecyl ngayon at nandito kami sa mansion niya dahil naimbita kami sa kanyang kaarawan. Nandito halos lahat ang kamaganak namin pero 'yung iba ay wala rin dito. Isa si Cora sa mga wala dahil she's on a training.



" Everyone, let's greet together a happy birthday for Cecilla Isabella P. Rodri. " Lumabas si Lola Cecyl sa isang mini stagw at lahat kami ay...



" HAPPY BIRTHDAY MAMA/CECILLA/LOLA CECYL/TITA." Sabay sabay naming sabi at naiba lang sa kung paano namin siya tawagin.



Nagpawelcoming words si Lola Cecyl at kaunting pasasalamat sa mga dumalo. And then, it's kainan time na.

Until This Day EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon