Chapter 29: New Life

66 6 9
                                    


" CHEERS! " Sabay sabay naming sabi. We are now drinking Soju. It's a light drink lang naman hindi ito 'yung tipong malalasing ka talaga.



We're here at Gypsy Bar. Ako, si Ate Mira, Kuya Jay and Carlos. Kaming apat na lang ang natira dahil kami kami lang din ang nagdesisyon na uminom. Should I call this inuman? Haha. We decided to drink dahil we just wanted to celebrate.



Sobrang saya kanina sa restaurant dahil sa mga puri nilang lahat sa'kin. Galing na galing daw sila sa pinakitang performance ko. Si Jade ay kinuhanan ako ng video ay pinapakita pa sa lahat. Well halos lahat naman sila kinuhanan ako ng video. And I can see that I'm really deserving to win. After ng dinner sa restaurant umuwi na sina Jade and Ellie pati sina Judith, Lester and Coach Victor. Pinauwi na rin ni Carlos si Kylie dahil ayaw niya namang painumin ng alcoholic drinks si Kylie.



" Argh, pait grabe. " Sabi ko with matching lukot face.



" It's your first time to drink? " Tanong ni Kuya Jay. Yes, it is my first time. At the age of 23, ito talaga ang unang tikim ko ng alcoholic drinks.



" Yup. " Sagot ko.



" Haha! Congrats tao ka na. " Sabi ni Ate sabay inom. Sa pag inom niya ng alak, parang normal na lang sa kanya. She's not giving any expression or reaction.



" Pag nalasing si Ate Maya, hindi ko na kasalanan ha. " Sabi ni Carlos.



" Alam naman nila na iinom tayo. " Nagpaalam naman kami kayna Mama at Tito kanina. Pinayagan naman nila kami basta uuwi daw kami before 1:00am.



" This soju is so delicious. Mukhang makakarami ata ako. "



" Hoy malakas din ang alcohol level neto ha. Easy ka lang. Baka magkahang over ka. " Sabi ni Ate kay Kuya Jay.



Actually nakakadalang lagok pa lang ako feeling ko suko na ako. Ayoko talaga ng lasa ng mga ganyan. Hindi ko alam kung bakit gusto ng iba.



" Haha me? Malakas kaming mga lalake. 'Di ba Carl? "



" Not me, Kuya Jay haha. Bihira lang din ako uminom. " Sabay tungga ni Carlos.



" Occasionally? "



" Yeah pero minsan inaaya ako nina Dad. " Kasama din si Papa sa inuman nila minsan.


Until This Day EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon