Chapter 3: Preparations

166 26 0
                                    

" Magkahanda ka ng pinggan, Cora! Makakailang sabi pa ba ako!? "
"OO NA! ETO NA!"
"CARLOS!! BUMABA KA NA DITO!"
"Saan ko ba nilagay 'yung ipit?"
"Gosh, nasaan 'yung susi ng kotse kooo!"
"Damn, hina ng internet!"



'Yan ang mga naririnig ko habang pababa ako ng hagdan. Kakagising ko lang and I decided to go downstairs as I woke up dahil naamoy ko agad ang breakfast sa itaas.


" Morning, Guys. What's with the chattering about? " I asked while rubbing my face.



" Yung susi ko nawawala. " Sabi ni Ate Mira.



" Si Cora, kanina ko pa sinasabihan na mag hain ng pinggan. Puro wait lang! " Sabi naman ni Tita Pau.



" 'Yung internet napaka bagal! Nagbabayad naman tayo ng sapat! " Sabi ni Tito while facing his laptop.



" Eto na nga eh..naghahain na oh. " Sabi ni Cora habang naghahain ng mga pinggan.



" Where did you put your keys, Ate? " Tanong ko at umupo. Nakita ko ang isang tasa na nasa harapan ko at may laman itong kape, Kinuha ko ito at hinapan.



" I don't know nga eh. Kaya ko nga hinahanap. "



" But, you should know where did you last put it. " Sabi ko at humigop sa mainit init na kape.



" Baka naman, nandon din sa kotse mo. " Sabi naman ni Mom habang nilalapag niya na 'yung mga almusal namin. Omelette, corn beef, hotdog and loaf bread, can't wait to eat.



" Wait, I'll go get check. " Sabay labas ni Ate ng house. Teka, how come na nandoon 'yung keys sa loob ng car? Eh 'di hindi niya rin na-lock 'yung kotse niya. Napailing na lang ako dahil sa mga nangyayare.



" Oh, Carlos, ba't ang tagal mong bumangon? " Taas kilay na tanong ni Tita. Napatingin naman ako kay Carlos na halatang kakagising lang.



" Puyat. " Tipid niyang sagot at naupo na rin.



" 'Yan kaka cellphone mo kasi 'yan. " After ni Cora mag hain ng pinggan. Umupo siya sa tabi ko.



" Oh my gosh! Mom, nandon nga sa car ko. Naiwan ko don jusmeyo. " Sabi ni Ate pagpasok ng bahay.



Pasimple ko namang minasahe 'yung ulo ko. Umagang umaga ang iingay nila. Jusmeyo.



" Okay, kainan naaa! " Sabi ni Mama at naupo na rin. Isinara naman ni Tito Emer 'yung laptop niya at nag umpisa na kaming kumain.



And thanks to God, wala namang naganap na ingay habang kumakain. Patuloy lang ako sa pagkuha ng omelette dahil sa sarap nito.


" So, what's your plan for today? " Tanong ni Tito.



" Emily and I will go to the mall. Mamimili kami ng foods for tomorrow. " Sabi ni Tita Pau.



" Ako naman.. as usual. Work. " Sagot ni Ate at kumagat sa load bread niya.



" Amaya and I will go to the shopping mall. " Nagulat ako sa narinig ko. Tumingin ako kay Cora at kumunot ang noo ko.


" What? " I asked.



" You should buy your outfit for tomorrow. It's your 22nd birthday, duh. " I glanced to them, marami naman akong damit diyan. Why would I need to buy a new one?


Until This Day EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon