Chapter 47: New Year

77 6 2
                                    

" No, Ma'am. Sasama ako. " Aba. Nandito kami ngayon ni Stella sa office ko at nag aaway kami dahil gusto niyang sumama sa'min ni Theodore sa karaoke. Jusmeyo, bumalik ako dito sa office upang sabihin sa kanya na sasamahan ko lang si Theodore sa karaoke. Hindi ko naman alam na magpupumilit siyang sumama.



" Fine. Gusto mong sumama? Fine! " Sigaw ko pa. Stella doesn't know na kami na ni Theodore pero for sure nakakahalata naman na siya. Hindi siya 'yung tipong manhid.



Binitbit ko ang sling bag ko while I'm wearing my uniform. Kasabay ko si Stella habang papunta sa Central Park. Doon kasi kami magkikita ni Theodore.



Nakita ko na si Theodore mula sa malayo at sinalubong niya kami.



" Hey, saan kayo pupunta? May kailangan ba kayong puntahan? " Tanong ni T.



" No, Sir. Sasama po ako sainyo. " Nakangiting sabi ni Stella. " Ay, bawal po ba? Wala rin po kasi akong gagawin. Gusto ko pong samahan kayo mag karaoke. "



Nabalot kami ng katahimikan ng sabihin ni Stella 'yon. Halatang ayaw rin ni Theodore.



" Okay, fine. " Sagot ni Theodore. Hinatak ako ni Theodore at inakbayan. " Let's see if you can resist our sweetness, Ms. Gracia. "



Napangisi naman ako. Kakayanin nga ba ni Stella na maging third wheel? Hahaha!



Pumasok na kami ng karaoke at nagpalista. Private ang kinuha naming kwarto para solo naming tatlo. 9:50pm na at ang kinuha naming oras ay 1 hour and 40 minutes for the karaoke. Bali makakalabas kami dito by 11:30pm. Sakto 30 minutes before 12:00am.



Hinanap namin kung saang room kami naka assign. Hawak na ni Theodore ang susi.



" Hala! " Napatingin kaming dalawa ni Theodore kay Stella.



" What is it? " Tanong ko.



" Si Sir Jayd-den. " Napatingin naman ako doon sa tinitingnan niya. Nakita ko si Mr. Mullen at may kausap siyang isang staff dito. Maybe he's just checking this place. Pero pag nakita niya kaming nandito ni Stella. For sure magagalit 'yon, dahil working hours namin ngayon.



" Pasok bilis! " Sabi ni Stella. At nakita ko namang nagmadali si Theodore na ipasok ang susi sa lock ng pinto.



" Ms. Miranda and her.. secretary. " Litiral kaming huminto sa tapat ng pintuan. And even Theodore napahinto rin sa pagpihit ng door knob.

Until This Day EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon