Idinilat ko ang mga mata ko at nandito pa rin ako sa Cabin ni Theodore. Tumingin ako sa tabihan ko pero wala siya rito. Hindi ko namalayan na nakatulog din pala ako kaagad kagabi.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng Cabin upang hanapin siya pero wala siya rito. Umupo ako at inayos ang buhok ko. Nasaan kaya siya? Posible kayang nasa CR siya?
Bumangon ako at pumunta sa may gawing CR. Pinapakiramdaman ko kung may tao ba sa loob pero sa tingin ko, wala rin siya doon.
Argh, I didn't even bring my phone here. Paano ko siya matetext kung nasaan siya? Hindi rin ako makalas ng Cabin niya dahil baka magtaka siya kung bakit nawala ako dito.
Binuksan ko ang fridge at napangiti ako nung may nakita akong cinnamon rolls. Favorite niya talaga 'tong cinnamon. Inilibas ko 'yon at nag init naman ako ng tubig sa water heater. Para sa pagbalik niya dito sa Cabin, may breakfast na nakahanda dito.
Halos napatalon ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko siya.
" Theod--" Napatigil ako dahil umiiyak siya ng husto ngayon. Humihikbi hikbi at titig na titig sa akin ngayon.
Naglakad siya papalapit sa'kin at sinalubong ko naman siya. He hugged me so tight and he sobbed. Shit, what's going on?
" Theodore.. bakit? What's wrong? " Tanong ko at humigpit ang yakap niya sa'kin.
Sobrang lakas ng hagulgol niya ngayon at hindi ko alam kung paano ko siya kakalmahin.
Hindi ko alam kung anong dahilan kaya kinakabahan akong malaman iyon. Saan kaya siya galing at bakit siya umiiyak ng ganito? Kung saan mo siya pumunta ngayon marahil ay doon galing ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon.
Hinaplos ko ang likod niya at kumakalma na siya. Kumalas ang yakap niya sa'kin kaya nakita ko na kanyang mukha. Damn, ang sakit na makita siyang umiiyak lalo na't hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit.
" They're g-gone, M. " Mamaos niyang sabi.
Napaawang naman ang bibig ko. I had a feeling, pero sana hindi nga ito 'yon.
" Sino? " Tanong ko.

BINABASA MO ANG
Until This Day Ends
General FictionJune 18, 2020 isn't just a normal date for Amaya. That day is her 22nd Birthday but weird things happen every June 18. For her, she can't escape June 18 because the world wants to teach her something. She will not proceed to June 19, 2020 unless she...