" Ate sorry talaga ah? Sobrang busy ako next week. " I'm at my office at ka FaceTime ko si Ate Mira.
" Gara mo! You promised me that you'll be there. Tsaka.. Maya.. special sa akin ang araw na 'yun. Tapos wala ka? " Today is May 5. At next week na ang kasal ni Ate. Which is sa May 12 ang kasal nila ni Kuya Jay.
" I know, Ate. Gusto ko kayang umattend! "
" Eh 'yun naman pala eh. Do something! Manager ka 'di ba? Gumawa ka nang paraan! " Kitang kita sa mukha niya ang pagkadismaya. Dahil nangako talaga ako sa kanya na aattend ako sa kasal niya.
" May dress ka nang susuotin dito. And you're the bridesmaid. " Sabi ni Ate. Actually, excited ako sa kasal ni Ate dahil ngayon lang ulit ako makakapanood ng isang kasalanan.
" I know. "
" Then do something! You can't be not here! Importante ka sa kasal ko. " Sabi ni Ate. " 7 days na lang and I'm gonna be Mrs. Roxas. "
" Hays. Nakakalungkot naman. I'm happy that you are getting married but... You're not Miranda anymore. " Sabi ko.
" But I'm still your family. Ikasal man ako, ako pa rin ang Ate Mira mo. " Argh, naiiyak na ako kahit sa FaceTime pa lang kami nag uusap. But I don't wanna show her that I'll cry.
" Tsaka.. hindi naman ako magbabago eh. Walang mababago sa pakikitungo ko sainyo noh. Aalis lang ako ng bahay but that doesn't mean that I'll change. " Ang balita ko, after ng wedding nila ni Kuya Jay. Doon siya uuwi sa bahay ni Kuya Jay sa Pasay City. Dahil 'yung bahay nilang pinapagawa for themselves ay hindi pa tapos.
" I can't come. And that's final. " Sabi ko.
" Sure ka na ba talaga? Grabe, I can't believe na hindi mo naman ginagawan ng paraan. "
" They need me here. " Sabi ko.
" And I need you also. Ate mo ako 'di ba? Isang beses lang naman ako ikakasal. " Napakamot siya sa ulo niya at halatang inis siya sa akin.
" Kahit.. isang araw lang naman? O kaya the day before the 12 tas balik ka rin diyan ng 13. " Sabi niya.
" Ate.. don't you get it? Bukod sa hindi ako pwede. Nasa gitna kami ng karagatan ngayon and we're on our way to Moscow. Hindi naman nila ako pwedeng ibaba diyan sa Pilipinas just for me. And.. hindi rin nila akong pwedeng sunduin lang basta basta. We have plans here kung saan kaming specific na ocean/sea na dadaan. " Sabi ko. Which is totoo naman. May mga plano kami dito at hindi kami pwedeng umiba ng daan. Everything is settled. " At, hindi kami magagawi sa Southeast Asia this May. "

BINABASA MO ANG
Until This Day Ends
General FictionJune 18, 2020 isn't just a normal date for Amaya. That day is her 22nd Birthday but weird things happen every June 18. For her, she can't escape June 18 because the world wants to teach her something. She will not proceed to June 19, 2020 unless she...