Chapter 39: His Other Side

77 6 0
                                    


Tanghali pa lang. But I feel overtired. Napaka dami kong inasikaso paggising ko pa lang. Inisa inisa ko lahat ang available na Cabin kanina at sinanitize namin 'yon. Napaka daming tao kanina na nag check in sa Hotel, dahil huminto kami kanina sa Hawaii. At ang daming tourist na nagsisampahan dito sa cruise. Next Destination namin ay sa Morocco, but I don't think I have time to be tour there. May mga bagay din akong dapat asikasuhin at mga papers na dapat pirmahan.



*Beep*


From: T

Sabay tayong mag lunch? Sa Prezzes Restaurant on Deck 3.  



Ang makita ko lang ang message na mula sa kanya ay nakakapawi rin ng pagod kahit papano. Kahit papano lang naman.



Gumaan ng pakiramdam ko sa looban pero 'yung pagod sa labas nandoon pa rin.



To: T
Be there after 30 minutes. Sobrang dami kong ginagawa :((



Binaba ko ang phone ko at humawak sa sentido. Matatapos din 'to, Maya. Kailangan kong tapusin 'to para makapag lunch kayo ni Theodore.



*Beep*


Binaba ko ang ballpen kong hawak at hinawakan ulit ang phone ko.



From: T
What do you want to eat? Ibibili kita at dadalhin ko na lang diyan sa office mo.



Na touch naman ako sa message niya. Napaka effort ni Theodore, and I really appreciate it so much.



To: T
Really? ☹️ You'll do that?



To be honest, napapagod na talaga ang katawan ko ngayon kahit tanghali pa lang. But I really wanted to have a lunch with him dahil siya ang pahinga ko. Kahit naman dati, siya ang pahinga ko habang umuulit ang June 18 ko.



From: T
Oo naman. So anong gusto mo?



To: T

Anything? Pero kung may spicy chicken 'yun na lang. Then.. garlic fried rice kung meron. Thank you! 🧡



Damn, naglalaway na ako. Simple lang 'yung oorderin ko na 'yon pero masarap na 'yon for me.



From: T
Okay noted. Drinks?

Until This Day EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon