Chapter 57: No Time

75 7 0
                                    


To: T

Ok.


Sabay pasok ng phone ko sa sling bag ko.



" Let's go, Stella. " Sabi ko.



" Okay, Ma'am! "



Sabay kami ni Stella na papunta sa Royal Promenade. May Halloween Parade kasi doon at naisipan naming manood. Today is November 1 and it's Halloween.



We're in the middle of the ocean and we're on our way to Norway again.



" Hala ang cute nung mga babies oh! " Nilingon ko naman 'yung tinuturo ni Stella. Naka halloween costume 'yung mga babies habang karga sila ng mga mommies nila. Yeah, they look cute.



" Yeah. " Tipid kong sagot.



" Saan tayo pupwesto, Ma'am? " Tanong ni Stella. Nandito na kami sa Royal Promenade at napakadaming tao dito. 'Yung iba ay naka civilian at 'yung iba ay naka costume.



" Doon na lang para kitang kita natin 'yung mga magpeperform. " Sabi ko at pumunta kami sa may part kung saan ako tumuro.



Nag umpisa na ang parade at umingay ang buong paligid. Puro hiyaw, sigaw, tili ang mga naririnig ko dito sa paligid ko dahil sa mga nakakatakot na parade na natutunghayan namin ngayon.



But here I am, staring to nowhere.



Isang buwan na ang nakalipas, buhat nung umiwas ako kay Theodore. And I can't believe it. Hindi ko akalain na nakakasurvived kaming dalawa sa ganitong sitwasyon.



Hindi niya ako kayang iwasan at layuan. But I'm trying to be cold to him at alam kong nagagawa ko naman 'yon. Alam niyang nagiging cold ako sa kanya pero hindi pa rin siya tumitigil kakalapit sa'kin.




Flashback.


OCTOBER 14

" Sige, Ma'am. Ako na pong maglilinis dito. " Tumango ako kay Stella at lumabas ng office ko.

Natigilan ako nung makita kong nakatayo siya dito sa may labas. He's here? Kailan pa kaya siya nandito?

" Just wanted to see you. How's your day? " He can't avoid me. But I can.

Nilagpasan ko lang siya pero hinawakan niya ang braso ko. Tinanggal ko naman ang braso ko sa kamay niya.

" I'm fine. Leave now. " Sagot ko at tuluyan ng umalis. Ngayon lang kami nagkita ngayong araw at ganito pa ang pangyayari.


Until This Day EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon