Chapter 34: Reservation

69 9 3
                                    


" All set! Ito na ba ang lahat ng dadalhin mo? " Tanong ni Mama.



" Eh 'yung backpack ko, Ma? Na double check mo na ba? " Tanong ko. Nandito kami ngayon sa kwarto namin ni Ate.



Today is November 22, ngayon na 'yung first day ko sa cruise ship. Maraming nangyari this past 5 days, inasikaso ko ang schedules ng bawat employees ko. It's like a work from home, nag uusap usap kami through face time. Sa sobrang busy ko nawalan na kami ng bonding as a family hanggang sa dumating na 'yung araw na aalis na ako.



Siyam na buwan akong mawawala at sa loob na siyam na buwan, I'll be travelling around the world. Chineck ko na lahat ng aming magiging destinations for this 9 months and I'm really excited.



Ngayon, inaayos na namin ang mga dadalhin ko sa ship. Isang malaking luggage lang naman and one backpack. Halos pantulog at kaunting pang alis lang ang dala dala ko. Dahil everyday naman akong naka uniform. Ako nang bahala sa mga outfit sa susuotin ko kapag nag travell na kami.



And now I'm facing mirror, inaayos ko 'yung nameplate ko na may nakalagay na.



Amaya R. Miranda
Hotel Directress



Inayos ko naman ang blazer kong blue. This will be my uniform as a Hotel Manager. Plain white polo shirt sa loob at blue blazer sa labas. Fitted skirt na blue and a 4 inch high heels na color blue rin. I'm wearing also a hat  for manager at naka lower bun hairstyle ako.



" Maya? " Napalingon naman ako kay Mama.



" Na check ko na lahat at sure na ako na wala ka nang makakalimutan. " Ngumiti naman ako at tumingin ulit sa salamin.



I'm so happy for this opportunity. Sobrang daming blessings ang dumating this November. Nanalo ako ng gold medalist as ice skating performer at ako pa ang na assign sa isang mataas na posisyon sa cruise ship. But, hindi ko rin maiwasang malungkot dahil hindi ko na sila makakasama. Although hindi naman aabot ng isang taon para hindi sila makita pero hindi ako sanay na mawala sa kanila ng ganon katagal.



*Beep*


Kunuha ko 'yung phone ko at binuksan 'yung inbox.



From: Mr. Mullen
The ship has arrived. Where you at?



Napalunok naman ako. Nandito na pala sa Northville ang ship at nag stop sila dito dahil susunduin nila ako.


Until This Day EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon