Chapter 53: The Father

70 5 1
                                    


" Good evening ladies and gentlemen, friends, and loved ones. " Panimula nung emcee. " Welcome to Amira and Jay's Nuptial Dinner Reception. "



We're here at Club Punta Fuego Resort. Nasa  Nasugbu, Batangas pa rin kami at dito kami dumiretso after namin sa Caleruega Church.



Nagtagal pa kami sa simbahan ng almost half an hour. Dahil sa mga picturan namin at sa mga kwentuhan with the other relatives.



But I haven't talked to Theodore. Kapag kasi wala siyang kausap, ako naman ay may kinakausap na iba. Kapag wala naman akong kausap, siya naman ang may makausap. Actually, nakita ko na ang Dad niya but I can't verify the face. Masyado kasi silang malayo pag sinusulyapan ko sila kanina.



" Maya, stand up. " Natauhan ako sa boses ni Papa. Nakatayo na pala ang lahat at ako na lang hindi. We're gonna have our opening prayer.



Tumayo na ako at nakinig sa opening prayer. Pasimple akong lumingon kung saan doon sa nakapwesto si Theodore but I can't see him that much dahil maraming tao ang nakaharang. Malayo ang table namin sa isa't isa kaya mahirap din siyang lingunin.



" Amen. " Hanep, tapos na pala 'yung prayer. Hindi ko man lang naintindihan. " May we invite Mr. Lewis Miranda for his introduction. "



Tumayo naman si Papa at pumunta doon sa harapan. Nasa mini stage sina Ate Mira at Kuya Jay.



" Thank You Ladies and Gentlemen for attending the wedding of my first daughter. This day is a very special day for her and so am I. " Panimula ni Papa at sinundan ito nang message niya for Ate Mira. Kinuha ko naman ang phone ko at minissage si Theodore.



To: T
I can't see you :((



Lumingon ako pero hindi ko talaga siya makita. Puro ulo ng kamag anak ni Kuya Jay ang nakikita ko.



*Beep*



From: T
Sent a photo.



Automatic naman akong napangiti dahil sa sinend niyang picture. Naka nguso siya at may mga hibla ng buhok niya ang nakababa sa may noo niya. Damn it, he's so cute.



From: T
There you see me. Okay na?



To: T
Not enough. Gusto rin kitang kausapin. But you look cute.

Until This Day EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon