Pagkasampa ko sa barko agad rin akong tumakbo paakyat ng hagdanan. Alam ko kung saang deck laging tumatambay si Theodore kaya alam ko kung saan siya pupuntahan.
Pagkapunta ko sa deck na laging pinagtatambayan niya. Nakita ko siya doon at nakatingin sa malayo. He's here.
Tumakbo naman ako papunta sa kanya at tinulak ko siya.
" ARAY! " Sigaw niya. Ako naman ay tumawa habang hingal na hingal. Grabe 'yon ah. Napakalayo rin ng tinakbo ko pero inabot lang ako ng 7 minutes kakatakbo dahil sa sobrang bilis ko.
Nilagay ko ang kamay ko sa tuhod ko habang hinahabol ko ang hininga ko.
" Oh, bakit ka hinihingal? " Tanong niya at lumapit sa akin. Naka hoodie jacket siya at halata rin siyang nilalamig.
" Kung alam mo lang.. tumakbo ako. " Sabi ko at pinatong ang braso ko sa railings. " Tumakas ako sa mula sa party. "
Napatingin naman siya sa suot ko. " You run? Bakit, atat na atat ka na bang makita ako? " Nakangisi niyang sabi.
" Oo! May good news ako sa'yo. " Sabi ko.
" Then, what is it? " Sumandal naman siya sa may railings. Nakaharap ako sa view ng Honolulu at siya naman ay nakaharap sa departments dito sa barko.
" Before I answer that.. how's your day? " Tanong ko at ipinatanong ko ang baba ko sa kanang kamay ko.
Nilingon niya ako. " Boring. "
" Dahil wala ako? " Tanong ko.
" Kahit naman nandito ka. Ang boring pa rin. " Nagulat ako sa sinagot niya. " HAHA! Just kidding. Haha. "
" Ah ganon ah. " Sabay irap ko. " Makabalik na lang sa party, tutal kahit nandito naman ako sa tabi mo. BORING PA RIN. "
Humarap na rin siya sa view ng Honolulu at inakbayan ako. " Alam mo namang hindi totoo 'yun eh. "
" But it's true.. bored ako maghapon. Kasi wala ka. " Aniya.
BINABASA MO ANG
Until This Day Ends
Fiksi UmumJune 18, 2020 isn't just a normal date for Amaya. That day is her 22nd Birthday but weird things happen every June 18. For her, she can't escape June 18 because the world wants to teach her something. She will not proceed to June 19, 2020 unless she...