Chapter 9: Things To Do

98 10 0
                                    



I'm awake at natatakot akong idilat ang mga mata ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, pag naulit pa ang June18. I would rather die than to live this June 18 forever.



Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at..



" HAPPY BIRTHDAY MAYAAA!! "



Umupo ako sa higaan at bumagsak ang mga luha ko.



Ganito pa rin, nandito pa rin ako.



" Aww.. umiyak si Birthday Girl! Surprise Maya! Good Morning! " Sabi ni Mama.



Nakita kong nagsilapitan sila sa'kin at niyakap nila ako pero hindi ko naman ramdam na naiintindihan nila ako.



" No.. No... It can't be. Ayoko na!! " Sabi ko at umalis sa kama ko.



" Maya! Anong ayaw mo na? " Tanong ni Ate Mira.



" Ayoko na.. a-ayoko na. " Sabi ko habang umiiyak at umiiling iling.



" I need to be alone.. 'wag niyo akong hahanap-pin. " Sabi ko at tumakbo palabas ng kwarto ko.



"MAYA!" Rinig kong tawag nila.



Bumaba ako ng sala na umiiyak at nakita ko lahat ng decorations para sa birthday ko. Pinagtatanggal ko lahat ng 'yon at sinira.



" Maya, what are you doing!? "



Pinagsisira ko iyon at pinagtatapon kung saan saan.



" Hindi ko birthday.. hindi ko birthday. HINDI KO BIRTHDAY! " Sigaw ko at tumakbo ako palabas ng bahay.



Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makalayo sa village namin. At napunta ako dito sa may baywalk.



Huminto ako sa pagtakbo dahil hingal na hingal na ako. Patuloy pa rin ako sa pag iyak, dahil ano ba ang dapat kong gawin? Paano ba ako makakaalis sa araw na 'to!? Ano ba talagang paraan para maalis na ako sa pangyayari 'to?!

Until This Day EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon