Chapter 37: Engaged

76 6 4
                                    


It's our last day here in Villefranche. 'Yung ibang crews and staffs ng cruise ay bumalik na doon sa barko pero kami hihintayin naming matapos ang huling tatlong oras namin dito sa Villefranche.



Nandito kami ni Theodore sa Provençal Market. Kakabili lang namin ng souvenirs dito. Bumili ako para kayna Ate Mira at lahat sila ay binilhan ko ng personalized bracelets. And also, binilhan ko rin sila ng shirts, frames, mugs and etc. Marami akong nabili for them at baka ipa-delivery ko na lang sa kanila para mabilis nilang matanggap ang mga 'to.



" You want ice cream? " Tanong niya. Naglalakad kasi kami dito sa may tabi ng Bay.



" Sure. " Sagot ko.



Bumili kami ng ice cream in a sweet cone. Chocolate flavor sa akin at 'yung kay Theodore naman ay strawberry. Actually, marami akong biniling souvenir, umabot ata ng five paper bags at lahat ng 'yon ay bitbit ni Theodore ngayon.



" Wow, ang tamis. " Sabi niya habang kinakain 'yung ice cream. It's true, matamis din 'yung chocolate. 'Yung tipong makakaramdam ka ng kung ng nginig dahil sa sobrang tamis.



" Patikim. " Tiningnan ko siya at nakatingin siya sa ice cream ko. Is he serious? Walang spoon 'tong ice cream na 'to dahil nasa apa siya nakalagay. So is he gonna licked on it?



" Ayoko nga! " Sigaw ko.



" Damot mo naman. Eh pera ko 'yan. Ano palag? " Hanep na 'yan, wala akong palag don ah.



" Haha basta ayoko. " Sabay dila sa ice crean ko. " You still want it pa rin? Kahit may laway ko na? Haha. "



" Eh ano ngayon? Ice cream naman titikman ko, hindi laway mo. " Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Gosh, how come na kaya niyang sabihin sa harap ko 'yon? Damn, why am I feeling something in my cheeks? Nag iinit eh.



" Ayoko haha. " Sagot ko. Lalapit ko na 'yung ice cream sa bibig ko nang hawakan niya 'yung kamay ko upang ilapit naman sa kanya ito pero lumaban ako.



" 'WAG AYOOKO! May ice cream kang iyo hoy! " Pinipilit kong hatakin ang kamay ko pabalik at siya naman ay nilalapit niya na 'yung ulo niya doon sa ice cream ko.



" Patikim lang kasi. " Nanalo ko at nabitawan niya ang kamay ko. Agad naman akong tumakbo ng mabilis palayo sa kanya.



Tawa ako ng tawa habang tumatakbo dahil para akong bata na ayaw maagawa ng ice cream. At si Theodore naman ay hinahabol ako habang nandito kami sa tabihan ng bay.

Until This Day EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon