Chapter 02
Hindi ako mapakali rito sa inuupuan ko, hindi ko alam pero balisa ako. Centralized ng aircon ang buong room pero para akong pinagpapawisan.
How can it be happen? Like?! Paano? Sabihin na nating ICT 'yung mga nandito after namin pero paano niya na decode yon? Wala naman akong sinabing ibang clue pero try to look back lang.
Yeah madalas kong gawin 'yon lalo na kung magpapaalam ako kay mama na gagala nag cocode ako ng numbers just for her to know kung nasaan ako. Try to look back means literal na look back or count back. Yung letters A to Z nilagyan ko ng number na 1-26 yung Z 'yung number 1 and 26 yung A yung zero represent as space. Pero paanong may naka decode non e, eme emeng gawa ko 'yon.
"te! mauubos mo na 'yang kuko mo kakakukot" sita ni Jaimee, tinignan ko siya pero inirapan niya lang ako attitude ang bwisit.
Pero wala ako sa wisyong patulan siya kaya nagpatuloy lang ako sa pag iisip kung paano na decode yung code na 'yon.
Ganon ba kagaling ang mga ICT students ng Faina University at nakaka decode sila ng eme emeng code tf?!
Natapos nang matiwasay ang seminar pero ako hindi pa tumatayo sa kinauupuan ko.
"Hoy saan ba dinala yang utak mo at kanina ka pa tulala diyan?" Si Maricris 'di ko siya pinansin kasi may inaantay ako. I really need to find out who is that decoder.
"Ano bang drama 'yan Alcantara?" Tanong ni Mike.
"Wala akong panahon sayo Fernandez!" Sagot ko sabay irap. Gantong naiinis ako ayoko pa naman na iniinis ako lalo.
"Tatawag na ba kami sa mental ah?! Kanina ka pa tulala diyan eh!" Sabi ni Maricris.
"Mauna na kayo. May inaantay lang ako."
"Sus ginoo ka day! Kung inaantay mo si pogi na taga ICT wag ka nang umasa". automatic akong napatingin kay Jaimee.
Wtf? Ano gagawin ko sa kanya?
"Mukha bang sya inaantay ko?" Asik ko.
"wag ka na umasa girl, balita ko bukas pa ang strand seminar ICT puro HUMSS at ABM lang ngayon" . paliwanag ni Jaimee automatic akong tumayo at inayos ang inupuan ko. Napatingin naman sila sakin na may nakakalokong ngiti.
"Ibang level na 'to girl!" sabi ni Jaimee habang umiiling.
"Wag mo sabihing crush mo na rin si Jaist niyan ah?!" Dagdag pa ni Maricris sabay tawa na nang aasar. Kapikon.
"Pinagsasabi nyo diyan?!" Inis na tanong ko. Kasi nakakapikon na talaga sila.
Pero ang mga bruha tinawanan lang ako, napatingin ako kay Mike na umiling iling na rin
"H-hoy s-sinasabi niyo bang may gusto ako sa mayabang na 'yon?" Bwiset nauutal pa ako.
Lalong lumakas tawa nilang tatlo. Lalong nag init ulo ko mga bwisit talaga. Tinapik pa ako ni Mike sa balikat.
"Kita mo yung building na 'to? Hanggang sa building ng TVL?" Sabi ni Mike
"B-bakit?"
"Isipin mo kung ilang babae ang pwedeng pumila sa ganoong ka layong distansya. Well, ganon lang naman karami ang nag aabang na mapansin ng isang Carlo Jaist Villanueva sa school na 'to" tumatawang dagdag niya. Tinaasan ko sya ng kilay. As if I care?! Nag apir pa silang tatlo. Sarap hambalusin.
"In short girl, maraming nakapila. So, ikaw pila ka na lang sa likod, hanapin mo kung sino yung nasa last line. Goodluck" dagdag ni Jaimee habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
Love Code (SHS Series #1) UNDER REVISION
General FictionSenior High Series #1 ICT To find the missing piece of her life Amber, a HUMSS student follows her father's step on aviation, even though her mom stopped her. She didn't know that the code she found during their seminar, will lead her to meet the s...