11

751 51 5
                                    

Chapter 11

"Bakit namumula yang pisngi mo?" Turo ni Jaimee sa pulang pula ko ngang pisngi.


Maputi ako kaya halata ito. Kainis naman kasi bakit ba siya gumaganon? Hindi niya ba alam na may aftershock pa ako sa nangyari sa unit nya.


"C-chic tint" umiwas ako ang tingin, paniguradong mahahalata ako kapag nagpatuloy pa ito.


Binayaran na agad namin yung pinamili namin. Nagkayayaan sila na mag arcade. Pagpunta namin doon ay nagpapalit kami agad ng token sila lang naman ang maglalaro. Wala akong hilig sa ganito.

Andito lang kami sa dancing machine. Nanonood.

"Bakit kaya wala pa si Jake?" Panimula ko.

"Baka may inasikaso lang" sagot ni Maricris.

"Anong oras pictorial natin?" Tanong ko.

"Mga 4pm ganon" sagot ni Jaimee habang kumakain ng pizza.

"Hindi pa tumatawag si tita sis? Baka hindi pa umuuwi yon" kibit balikat na sabi ni Maricris. Napatingin tuloy ako kila Cullen na nag babasketball.



"Pinagpaalam na ako ni Jaist" Sabay pa silang nasamid sa sinabi ko. Nanlalaki ang mata nilang hindi makapaniwala.


"Nabingi ba ako sis?" Tanong ni Maricris kay Jaimee.


"Ako rin ata" sagot ni Jaimee.


Natawa naman ako. "Mga baliw"


"Pero teka. Seryoso ba yan?" Tanong ni Maricris. Tumango ako.


"Paano?" Usisa nila.


"Doctor ng mommy nya si Mama, nagkita sila sa ospital at pinaalam nya na andito ako at kasama nya"


"Level up na tayo gurl ah" Jaimee.


"Oo nga meeting the parents na agad" pumapalakpak na dagdag ni Maricris. Napa iling na lang ako.


Napatingin ako ulit kila Jaist. Hindi man lang sya ngumingiti. Naalala ko tuloy yung ngiti nya sakin kanina. Hindi yon ngiti na nang aasar kundi totoong ngiti na tila masaya ito sa nakikita nya. Bakit ka ba uma akto ng ganito Jaist?


Pagsapit nga ng alas kwatro ng hapon naghahanda na kami para sa photoshoot. Dress muna ang uunahin namin for casual get up. Andito kami sa may garden ng hotel at dito namin napiling ishoot ang photos ko.


Si Cullen ang kukuha at si Mike ang mag eedit. I told him not to help because it's like a bias for him as a ssc president. But he said that he's doing it not as president but my friend.


Naka messy bun ang buhok ko at nilagyan ni Joyce ng metal crown. Samantalang si Maricris naman ang nagmake up sakin light lang dahil maputi naman ako.


"Dito ka sa part na ito Amber tas try to side in right pasadahan mo ng kamay yung mga halaman" utos ni Cullen na agad ko namang sinunod.


Pumapalakpak sa tuwa ang mga kaibigan ko. Sinusunod ko lahat ng sinasabi ni Cullen. Ghadd this is not my forte. Pero I have to do this. Na iintimidate pa ako sa mga nanonood lalo na sa tingin ni Jaist.


"Now, smile Amber" ngumiti ako


"Can you smile genuinely?" Cullen.

"Hindi pa ba ngiti ito?" Tanong ko.

"No. What I mean is the real smile. Yung hindi dahil ngumingiti ka lang dahil sa photoshoot. But natural smile" napatango ako.

Nag isip ako ng masasayang moments para maging makatotohanan ang ngiti ko gaya ng nais ni Cullen. Pero hindi parin enough.

Love Code (SHS Series #1) UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon