26

645 27 1
                                    

Chapter 26



"Excited ka na?" Habang inaalalayan niya akong isuot yung safety opponents, andito kami ngayon sa Zipline.



Pangalawang araw na nanamin, ita try namin yung mga ganitong activity ng resort nila.



Kahapon matapos naming maligo sa lagoon, dumiretso kami sa sinasabi niyang Falls sa gubat. Maganda roon at tahimik, tanging mga huni ng ibon at yung tubig mula sa talon lang ang maririnig mo.



Medyo nailang pa ako kay Jaist kahapon dahil sa nangyari sa ilalim ng lagoon, pero hindi ko na lang pinakita sakanya. Normal lang naman yon hindi ba?, normal lang na ginagawa yon ng dalawang nasa relasyon.



Uminit nanaman ang pisngi ko nnag maalala yon, that was my first kiss.



Under water kiss.



Tinignan ko yung ibaba, ilog yung babagsakan medyo kinabahan ako ng very light lang naman. Medyo malayo layo yung dulo ng zipline pero exciting naman, tinawag na kami para pumwesto roon sa zipline.



Bago kami pina akyat dito, nagkaroon ng safety guidelines for our safety. Nilagay ko na yung helmet ko, buti na lang may dalang camera at tripod si Jaist para raw talaga sa bakasyon namin yon.



Matapos makapwesto, magsisimula na nag sign of the cross pa ako sa takot kaya natawa sakin si Jaist. Sinamaan ko naman siya ng tingin, pero tinawanan niya lang ako.




Bago kami bitawan nung crew sa zipline hinawakan pa ni Jaist ang kamay ko, sinabihan ko siyang kumaway sa camera pero inwas niya lang mukha niya.



Hindi ko mapigilang sumigaw nang bitawan na kami, grabe feeling ko pag nabigatan yung wire or lubid na ito saakin baka mapigtas at bumagsak ako sa ilog.



"Aaaaaaaaaaaaaaaa" rinig ko ang tawa ni Jaist sakin, kalmado lang niyang pinapanood ang reaksyon.



Napakasama mong boyfriend.



Matapos no'n ay pumunta kami ulit sa resort para i try yung bago nilang water activity, ayon yung susuotin mo yung tila rocket shoes. Hindi lang siya basta isang rocket shoe dahil may lumalabas na tubig roon, ayon yung magsisilbing engine niya para umangat yung rocket shoe.



Natakot talaga ako kasi habang pinapanood ko siya nakakatakot pala, dahil kailangan matibay binti mo kasi mukhang malakas yung pwersa galing sa rocket shoes.


Sinabihan ako ni Jaist na pumunta ako sa tuktok, siya na lang daw ang magsusuot dahil delikado kung ako. Sinunod ko naman yung sinabi niya, nang maka akyat doon sa sinasabi niya.



Kita ko siya sa baba na kinakausap nung lalaki, pinapaliwanag ata kung paano makontrol yung rocket shoes tanaw ko rin kung gaano siya kawalang interest sa sinasabi ng lalaki.


Kahit kailan ka talaga. Umiling na lang ako.



Nagsimula niya nang suotin yung rocket shoe, sa likuran nung rocket shoe parang may hose roon na siguro doon lalabas ang tubig. Matapos masuot, sinenyasan nung lalaki na i on na yung water sa rocket shoe. May hawak na tila controller joystick si Jaist, mukhang enjoy 'to.



Nagsimula na niyang paandarin yung rocket shoes nakakabilib na tila gamay niya na ito, hindi ko naman maiwasang mabingi sa tilian ng mga babae at bakla na andito at pinapanood si Jaist.



Andito sila sa likuran ko pinapanood si Jaist habang unti unti itong umaangat, swimming pool yung nasa ilalim neto kaya yung tubig na babagsak sa rocket shoes sa swimming pool mapupunta.



Love Code (SHS Series #1) UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon