Chapter 03
"Ipasa nyo yung essay bago kayo umuwi ah. Nasa building ako ng TVL nagtuturo ako sa grade 11". Lumabas na rin si ma'am pagka sabi niya.
Andito kami sa isang subject namin which is politics. Pinagawa kami ng essay about leadership. Magkakabisa rin kami for Preamble of 1987 Constitution.
1 week passed pagkatapos ng nangyari sa conference room, hanggang ngayon hindi pa rin nag sisink in sa akin lahat ng bagay na naganap. Pinahiya na naman kasi ako ni Jaist.
Nakatulala lang ako sa tapat ng main building inaantay namin na matapos yung conference since vacant pa naman namin.
"Sandali lang ah! Hindi tayo sure Maricris kung si Jaist talaga!"
"Nandoon na nga yung pruweba natin diba!"
"Malay ba natin na hindi naman siya umupo roon kahapon"
"Osge, I bet si Jaist yan"
"Matatalo ka lang sa akin wag ka ng lumaban!"
Nagtatalo na naman sila about sa nalaman namin miske naman ako hindi ko akalain,hindi lang ma absorb ng utak ko.
"After niya bang ma decode. May sinabi pa ba siya?" Tanong ni Jaimee na akala mo si detective Conan kung maka tanong.
"See you, then." Maikling sagot ko. Napatili sila pareho.
"Bet ko talaga mga ganyan ang awra e!". si Maricris.
"Ako rin girl! Feel ko nasa libro ka" Jaimee. Umirap ako sa kawalan.
"Paano kaya kung si Jaist talaga yon?" si Jaimee yan na nakatingin pa sa langit, pinagdikit pa ang dalawang kamay at inilagay sa ilalim ng baba niya animo'y nagpapantasya. Eww.
"Full package na yon te. Ganda mo lang talaga pag nagkataon". Si maricris na kinikilig pa hays.
Kanya kanya sila ng conclusion. Buti wala si Mike. Kung hindi baka kanina ko pa binungkal ang mga halaman at paso rito para ihampas sa kanila.
Maya maya lang natanaw ko na yung mga kaklase ni Jaist na pababa ng hagdan, kaya tumayo na ako para salubungin siya. Hawak hawak ko pa rin yung papel na sinulatan ko ng code.
Malayo palang natatanaw ko na si Jaist na may hawak na namang ipad at tutok na tutok siya roon. Lumapit ako sa kanya.
"I swear pare! Mananalo tayo sa hacking contest na yon"
"Gago kami lang hindi ka kasama"
"Tss. Wala ka bang tiwala?, what do you think Cj?". Nag uusap ang dalawang kasama nya, samantalang siya busy sa ipad.
"Let's just stick on the plans" maikling sagot niya at tumikhim ako, kaya napatingin silang tatlo sakin. Nakataas na agad ang isang kilay ni Jaist ng makita ako.
"Pwede magtanong?". Simula ko. Binulsa ni Jaist yung isang kamay niya at tumingin sa akin ng diretso.
"Nagtatanong ka na". Sagot niya.
Aba! Napaka! Pilit ang ngiti ko. Paplastikin ko na lang kesa hindi pa ako makahingi ng maayos na sagot. Inabot ko yung papel sa kaniya, kinuha niya naman. Nakita kong natigilan yung dalawang kasama nya. Huli ka pero di ka kulong. Pahiya ka naman.
I crossed my arms "Thanks for decoding and I really do appreciate it." Taas noo ko pang sabi nakita ko naman siyang kumunot ang noo. "You know, Gawa gawa ko lang ang code na yan 'di ko akalaing ma de-decode mo. So ganyan ka ba kagaling?" Usisa ko.
BINABASA MO ANG
Love Code (SHS Series #1) UNDER REVISION
Fiksi UmumSenior High Series #1 ICT To find the missing piece of her life Amber, a HUMSS student follows her father's step on aviation, even though her mom stopped her. She didn't know that the code she found during their seminar, will lead her to meet the s...