Chapter 24
Time had passed by, Sa araw araw na 'yon masasabi kong naging masaya ako, masasabi kong mas lumalalim pa ang nararamdaman ko kay Jaist. Hindi ko akalain na mabilis na dadaan lang ang January, at ngayon ay ikalawang buwan na ng taon.
"We will be having our final defense next month, so you have to finish the Reseach this month 1a" Announced ng Practical Research namin.
Since, February na may mga events parin na naka line up. Nakaraang buwan pinasa na ni Mira ang korona sa susunod na Ms. Faina University, dahil graduating na siya.
Magkakaroon ng concert ngayong month, Graduation Ball, meron din kaming strand week for HUMSS. 1 week kaming walang gagawin kundi makipag participate sa mga pakulo ng Strand Officers namin, ayos lang naman 'yon chill lang kami. Dahil February ngayon meron kaming Valentines Event pero gabi 'yon gaganapin, required siyang daluhan dahil may attendance parin ito.
"Amber, mag i inquire na ako next month. May plano ka na ba?" Si Maricris, nag aayos na kami ng gamit para makapag lunch na rin.
Sa totoo niyan hindi ko parin napapapayag si Mama, ayoko naman nang pag usapan ito dahil gumaganda na ang samahan namin.
Sana nga lang talaga mapapayag ko na ito, dahil ayokong kumuha ng med sa college.
Umiling ako "Kakausapin ko pa si mama, kaso wala pa akong lakas ng loob eh"
"Kailan ka pa magkakaroon ng lakas ng loob?" Pag singit ni Jaimee.
"Alam niyo naman kasing... ngayon lang ulit gumaganda samahan namin diba?"
"Pero hindi kailangan mo ring ipaliwanag sakanya na mahihirapan ka kung hindi mo naman gusto yung kukunin mong kurso" sagot ni Maricris, I sighed.
"Gusto mo lakas ng loob?" Tanong ni Mike. Tumango ako
"Inom ka cobra sis" sagot ni Jaimee, kaya binato ko siya ng notebook.
Nagtawanan sila "kakatawa 'yon?" Inis nanaman ako sakanilang tatlo, ganyan gawain nila eh pag tripan ako. Hindi na kasi nila ako maasar kapag andiyan si Jaist, ask me why?
"Andito na pala kayo!!" Masayang bungad ni Maricris kila Cullen, inaantay kasi nila kami.
"No we're not here yet, you're just hallucinating" napanganga si Maricris sakanya, todo pigil naman kami ng tawa.
Hindi na nila ako maasar dahil binabara sila ni Jaist, kaya sa room lang nila ako binubully.
Agad kinuha ni Jaist yung libro ko "how's the subjects?" Nakangiting tanong niya, ganito siya saakin nakangiti pero napaka cold kapag kaibigan nanamin kaharap namin.
"Ayos lang, need nanamin tapusin research namin" sagot ko, pababa na kami ngayon.
"You need help?"
"Hindi na ayos lang, kamusta na pala yung news broad?"
"Jake finished it, as per the admins. The graduating students like us, don't have rights to log in anymore" napatango naman ako
"Alam ba nila?"
"Na?"
"Ikaw bumura non?"
BINABASA MO ANG
Love Code (SHS Series #1) UNDER REVISION
General FictionSenior High Series #1 ICT To find the missing piece of her life Amber, a HUMSS student follows her father's step on aviation, even though her mom stopped her. She didn't know that the code she found during their seminar, will lead her to meet the s...