Chapter 10
Hila hila ni Jaist ang kamay ko papunta sa parking lot ng resort. Pagkarating doon ay agad nya akong iginaya sa sasakyan nya.
Ilang taon na ba sya at may kotse na aga?
Habang nasa byahe hindi ko maiwasang magtanong. I deserve an answer no?!
"B-bakit nasa laban pa si Jake?"
"Just to inform you, late siya. Muntikan pang ma disqualify. Pero buti na lang at valid reasons since biglaang change ng sched" nanahimik na lang ako at nakatingin sa labas. Madilim na.
Nag text si Mama kung nasaan na ako. Pero hindi ko na lang nireplayan.
"Do you already eat dinner?" Tanong niya habang hindi maalis ang tingin sa daan.
"Hindi pa" maikling sagot ko. Naiilang pa rin ako sa kanya.
"Stop over tayo sa subic para kumain" sagot nya at hindi na kami muling nagsalita.
"Pwede ba akong mag patugtog?" Biglang tanong ko. Ang tahimik naman kasi talaga eh.
Tumango lang sya. Nagpaconnect ako sa stereo ng sasakyan nya. At ang pagtugtog gamit ng spotify.
Smooth ang naging byahe namin pa subic at agad kaming humanap ng resto para kumain.
Bago dumating yung order nagtingin tingin lang ako sa ig stories ng mga bruha. Nakita ko ang room tour nila. Nalungkot tuloy ako habang nakatingin sa picture nilang kasama si Joyce. Nadadamay sila sa kahibangan ko.
Pagkarating ng pagkain ay agad kaming kumain. Wala parin kaming imik sa isa't isa at wala rin akong balak kibuin siya. Siya rin naman may kasalanan bakit ako naiilang sa kanya eh.
"Bakit ka nga pala nasa Zambales?" Biglang tanong nya. Himala.
"Kamatayan ng papa ko dinalaw ko lang" tumango tango sya.
Pagkatapos ay agad din kaming umalis. Nagtalo pa kami kung sino ang magbabayad pero at the end sya ang nagwagi. Nasa sasakyan na kami ng mapagtanto kong pag aalas diyes na ng gabi. Talagang ma yayari ako nito.
"Ideretso mo na lang ako sa terminal malapit sa venue ng game niyo. Para hindi na kita maabala"
"Why would I do that?" Malamig na tanong nya.
"Para makauwi na ako"
"Who told you that I will let you go home alone?"
"Wala, pero ayokong maka abala"
"No way. Sumabay ka na samin pauwi after the game"
"What????! Hindi pwede malalagot ako kay Mama" mabilis na tugon ko.
Hindi sya nagsalita kaya nagsisigaw ako sa loob ng sasakyan nya na ihinto nya.
"Damn it!!!! Don't shout!" Sigaw niya sabay hinto ng kotse nasa highway parin kami at ilaw sa poste lang ang tanging liwanag sa daan. Bumaba ako.
"What the hell are you doing?" Inis na tanong nya.
"Umalis ka na. Mag aantay na lang ako ng bus rito pauwi"
"Don't be a stubborn girl, and get in!" Sagot nya. Inirapan ko lang sya.
'D mo 'ko mapapasunod sa ganyan mo Villanueva.
BINABASA MO ANG
Love Code (SHS Series #1) UNDER REVISION
General FictionSenior High Series #1 ICT To find the missing piece of her life Amber, a HUMSS student follows her father's step on aviation, even though her mom stopped her. She didn't know that the code she found during their seminar, will lead her to meet the s...