Chapter 08
"We will be having our midterm examination before the Intramurals. So you better pass your requirements before the day of midterm. Especially for those who have to maintain their grades to meet the expectations" anunsyo ng Advider namin.
Nalalapit na ang Midterm Exam namin.
"Are we clear with that 1a?"
"Yes, Ma'am"
"You may now take your break"
Kanya- kanya na kaming ayos ng gamit. Para makababa na at makakain.
"Amber nood tayo laban nila Jaist" aya ni Maricris. Nakakunot ang noo ko.
"Inaya kasi kami ni Jason na may laro sila ng online games d'yan sa may malapit na computer shop" dagdag ni Jaimee
"B-busy k-kasi ako" dahilan ko.
"Saan naman?" Usisa nila
"Aasikasuhin ko yung sa intrams natin malapit na rin yon saka kailangan kong mag review para sa midterm" paliwanag ko. Tinignan nila ako na tila sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo.
"Talaga bang aasikasuhin mo yung intrams o --
"I really need to prepare. Wala nang ibang dahilan. Sige una na ako" pagputol ko sa dapat sa sabihin nito.
Sa katunayan ay 2 linggo na akong umiiwas na mapasama kila Jaimee sa kadahilanang madalas na silang napapasama kila Cullen. Kailangan ko lang umiwas kasi hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Jaist.
"Na sisid mo na ba?" Gulat akong napatingin sa pagsulpot ni Jake. Nginitian ko lang sya.
"Bakit napapansin ko hindi ka na nag sasama kila Jaimee?" Usisa nya
"Wala naman" hindi ako makatingin sa kanya. Kaya hinuhuli nya ang tingin ko.
"You can't deny it." Napapailing pang sabi nya. Kunot ang noo ko pero di pa rin ako makatingin sa kanya.
"D-deny w-what?"
"Never mind. Let's eat" aya nya.
Agad kaming umorder pagpasok namin sa canteen.
Umorder lang ako ng rice with chicken tapos coke. Kumakain kami ng pumasok sila Jaist kasama sila Cullen at take note kasama rin nila ang dalawang bruha.
Pinitik ni Jake yung daliri nya sa harap ng mukha ko kaya na pabalik tingin ko sa kanya.
"Ano nga yon?"
"Hindi ka nakikinig" nag pout siya "sabi ko may laban kami ng LOL dyan malapit sa computer shop 5v5 'yon kakampi ko sila Jaist. Sama ka"
"Ah kasi may aasikasuhin ako Jake e" tanggi ko.
"Nagtatampo na ako sayo ah. Lagi mo na lang tinatanggihan aya ko sayo hindi mo na ako lab" paawa pa niya kaya pinanlakihan ko sya ng mata
anong hindi lab? Ang drama mo!
"May kailangan lang akong gawin. Saka babawi ako promise diba pupunta tayo sa Zambales"
"Yeah. Mag paalam ka na ah"
"Oo mamaya, pag uwi ni Mama" 4 na araw na lang kamatayan na ni papa.
2 araw naman bago ang laban nila Jake napag alaman kong gaganapin sa Pampanga.
BINABASA MO ANG
Love Code (SHS Series #1) UNDER REVISION
Ficción GeneralSenior High Series #1 ICT To find the missing piece of her life Amber, a HUMSS student follows her father's step on aviation, even though her mom stopped her. She didn't know that the code she found during their seminar, will lead her to meet the s...