32

628 29 4
                                    

Chapter 32



"Sorry na, Amber" niyayakap pa ako ni Maricris habang nasa elevator kami, nag aya kasi sila mag punta ng Mt. Fuji.



Dahil gustong gusto kong pumunta roon sumama ako, todo hingi ng sorry si Maricris sakin dahil sa sinabi niya kagabi naka inom daw siya.



"Ayos lang, para kang tanga diyan"



"Sorry talaga"



"I understand"




Paglabas namin ng hotel andoon na sila Paolo at si Sandra, sasama raw sila dahil gusto rin nilang makita ang Mt.Fuji.



"Hoy, nakaka excite naman ito" sabi pa ni Bella, samantalang ako nag salpak lang ng earphone sa tenga.



Hindi naman matagal ang byahe papunta ro'n or  kaya baka abutin na kami ng tanghali , nagdala na rin ako ng damit just in case.



Maraming beses na akong napunta rito sa Japan pero, ngayon ko palang makikita ang Mt. Fuji. Napatingin tuloy ako sa labas ng bintana, inaalala ang mga bagay bagay sa nakaraan.



He want see Mt. Fuji too, he's a fan of nature. I wish for him to see this, like now he's here in Japan.



Ilang beses kaming nag stop over para mag cr, at para kumain. 12nn  ng marating namin ang lugar, natatanaw ko na ang Mt. Fuji.



Puti ang taas na bahagi nito, at napakaganda nitong tignan mula sa malayo. Siguro ay maganda rin ito kapag nasa malapitan na, nakaka excite tuloy.




"Stop over bago pumasok sa city, para kumain tapos tuloy na tayo" sabi ni Paolo.



Inabala ko ang sarili sa pagkuha ng litrato, buti na lang at dala ko ang dslr ko.



"Kunan moko ng magandang pang ig post mamaya ah" bulong ni Maricris, tumango naman ako sakanya.



"Nandito na raw sila"



"Sino?"



"Sila Cullen" napahinto ako sa pagkuha ng litrato at napaharap sakanya.



"Kasama niya si Jaist?"



"Oo, gusto raw makita ni Jaist yung Mt. Fuji eh, kaya  nag aya ako rito" kumindat pa siya samatalang ako napatunganga sakaniya.



Plano niya 'to!!!



Matapos nga naming kumain ay agad na kaming tumuloy sa destinasyon namin, ang tuwa ko kanina ay mas tumindi ng makita ko na ito.



Ang ganda..



Autumn ngayon, kaya naglalaglagan ang mga cherry blossom. Panay ang kuha ko ng litrato, nadagdagan pa ni Maricris. Panay ang pose at lahat na ata ng anggulo may kuha siya, natuwa naman ako kaya sinuportahan ko ito sa kalokohan niya.




"Ikaw naman kunan ko" sabi niya, kaya inabot ko sakanya ang camera ko.




"Diyan ka" tinuro niya yung pwesto na may naglalaglagang cherry blossom "ayan, okay 1,2,3" *click*




"Patingin nga"




"Mamaya na, isa pa" tinuruan niya pa ako ng ibang pose.



Love Code (SHS Series #1) UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon