Chapter 09
<Blind Date>
~~~
"Bakit mo siya kasama Titania?" seryosongntanong ni dad at mariing naka tingin saakin katabi na nakapamulsa lang at nakangisi ng nakakaloko. "Ahmm. Hinatid niya po ako dito?" patanong pa na sagot ko. Liningon naman ako ni daddy at tinaasan ng kilay "may kotse ka naman ah."sabi niya.
"I offer her to have a ride with me" simpling sabi naman ni damian na ngayon ay maayos na ang tayo. Tumingin siya saakin "I have to go, may aasikasuhin pa ako" pag papaalam niya saakin at nag lakad na papuntang pintuan. pero hindi pa niya nabubuksan ang pintuan ng magsalita naman si dad na ikinatigil niya at ikinalingon ko naman kay daddy.
"You have a blind date at Sandiego restaurant at 7:30 pm." sabi ni dad. At nakatingin lang sa magiging reaksyon ko. "With whom dad?" nakakunot ang noong tanong ko. "It's Tristan Jake Montero a son of my friend." sagot naman niya na ikinalaki ng mata ko at ikinapula ng pisngi ko. "O my god as in the one and only TRISTAN JAKE MONTERO!" pinipigilan ko ang kilig ko pero hindi parin iyon nakaligtas sa bibig ko. Napalingon ako sa pintuan ng malakas itong sumara. Iyon lang ang oras na naalala ko na nandito pala si Damian pero lumabas naman siya. Kaya tumingin ako ulit kay daddy na ngayon ay nakangisi na.
"Yes Titania. It's Tristan Jake Montero your first ever crush i mean until now" mapangasar na sagot naman ni daddy na ikinapula lalo ng aking mukha. Umirap nalang ako para itago ang aking pagkakilig. "Like duh daddy im get over him" tumawa naman ng mapangasar si daddy ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad doon si mommy na may hawak pang itim na folder at isinascan niya.
"Why are you laughing mark? And bakit galit na galit si Mr.Ferregamo?" tanong ni mommy bago humalik sa pisngi ko at lumakad palapit kay dad at kiniss rin ito sa lips pero smack lang. "huh? Galit po siya?" nag tatalang tanong ko at tumango naman siya. "Oo. Nakasalubong ko siya sa elevator."
"Maybe he have a bad day honey" sabi ni daddy kay mommy at makahulogang nakatingin dito. Hindi ko na napigilan ang sarili kung magtanong sakanila ng hindi ko na kinaya ang aking kuryosidad. "Dad, Mom. Bakit tuwing nagkikita kayo nila damian ay parang hindi kayo magkakasundo?" sobrang kuryosong tanong ko "at bakit parang takot na takot kayong makasama ko siya?" dugtong ko pa. Nagkatinginan silang dalawa at umiwas ng tingin saakin at konware ay may ginagawa sa mga papelis.
"You need to be ready at your blind date with Mr. Montero alam mo namang mainipin ang isang yun mahalaga ang mga minuto sakanya" instead sabi nalng ni dad bago binalik sa mga ginagawa nila. Kaya mas lalo akong na curious pero hindi na ako nag tanong pa muli at nag paalam na sakanilang uuwo saaking condo at hindi na makakauwi sa mansyon.
Ng makarating ako saaking condo ay mga 4:00 pm na. Kaya naman nagpalit muna ako ng pantulog at natulog muna ng saglit dahil sa sobrang. Nag set pa ako ng alarm clock bago matulog.
Nagising ako ng tumonog ang aking senet na alarm. Ng tignan ko ang oras ay 6:00 pm na kaya agad-agad akong nag hanap ng susuotin para sa blind date namin mamaya ni Tristan. Ang napili ko ay isang fitted royal blue sleeveless dress na may pa cross sa waist line kaya may nakalabas na skin saakin hanggang above the knees. And a silver 5 inches high heels and silver purse at nag hanap narin ako ng earings and neckless. Napili ko ay ang diamoned earings na kulay silver na may pares na rin na diamoned neckless at kinuha ko lang rin na relo ay ang silber na rolex na binili saakin ni mommy.
Matapos kung maghanap ng susuotin ay agad na akong pumasok sa banyo para makaligo na. Matapos kung maligo ay agad kungpinatuyo ang aking buhok. Nag make-up lang akong light at nilugay ang alon alon kung ash gray na buhok. Sinuot ko na rin ang damit ko at ang accessories bago sinuot ang high heels ko at kinuha ang susi ng kotse ko at extra money amd credit card at ang aking cellphone na inilagay ko saaking small silver purse at nilagay ang aking lipstick. Ng humarap ako sa salamin ay agad akong nakuntento.Tinignan ko ang oras saaking pambisig na relo at nakitang 7:26 pm na kaya dali-dali akong lumabas sa aking condo at umalis papuntang Sandiego restaurant. Dumating ako doon ng 7:40 pm nalate ako dahil sa sobrang traffic kaya nalate ako ng ten minutes kaya nag mamadali akong pumasok sa restaurant at agd tinanong ang receptionist area kung saannang reneserve ni dad saamin na table agad naman niya akong sinagot kaya dumiretso na ako sa table namin. Nakita ko naman agad yun dahil natanaw ko si tristan na papatayo na dahil siguro sa pagkainip mag hintay. Ng matanaw niya ako ay agad niya akong sinamaan ng tingin.
"Your ten minutes late Aure" agad na salabong niya saakin pagkaupo ko sa harapan niya. Nakangiti ko naman siyang tinignan at nagpaumanhin "Sorry. Traffic kasi e" inirapan niya ako in a very manly way.
"Im going to be straight forward." sabi niya habang nakatingin saakin ng seryoso. "What?" tanong ko naman kahit alam ko ang susunod niyang sasabihin napairap nalang ako ng tama ang nasaisip ko na sasabihin niya. "I Don't really like you to be my wife and--" pinutol ko na ang sasabihin niya at malditang tumingin sakanya. "alam ko na sasabihin mo yan. And i don't like you too because i like someone else" biglang pumasok sa isipan ko ang gwapong mukha ni damian at ang mga moment na nag kikiss kami. Napailing nalang ako sa aking iniisip at itinuon nalang ang pansin sa dumating na pagkain sa aming table.
"So we don't like each other because we like someone else. When we are on our elementary days and highschool days you almost kneel down to me just to notice you hmmp" pinipigilang tawang sabi niya. Tinignan ko naman siya ng masama dahil doon. "wag ka ng mag-alala dahil matagal na yun" tumawa naman siya dahil sa sinabi ko. "So you didn't deny the fact that you like me so much back then" nakataas pa ang kilay niya ng sabihin niya yun habang nakangisi. Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon na sa pagkain ang aking attensyon. Habang kumakain kami ay may nararamdaman akong mainit na nakamasid saamin pero ng mag palinga-linga ako sa paligid ay wala naman kaya hindi ko nalang ito pinasin at nag patuloy kumain. Nag kwentohan lang kami about sa past days namin at halos umusok ang ilong ko sa pag kapikon sakanya.
TRISTAN JAKE MONTERO is my first ever crush not love. Namamangha kasi ako sakanya noon dahil sa sobrang seryoso niya sa studies at halos lahat noon ng babae sa uneversity namin ay lumuhod sakanya dahil sa maliban sa katalinohan niya ay gwapo at mayaman sila pero wala man lang siyang pinansin na kahit kanino sakanila. Ang kaso suplado siya at snober super cold niya rin kaya naman mas lalong nahuhumaling ang mga babae sakanya at Oo aaminin ko kasali ako sa mga babae na nahuhumaling sakanya. But that was in the past. Noong naalala ko nga yun halos masuka ako sa mga pinanggagawa ko.
Matapos kaming kumain ay nag paalam na kami sa isat-isa na umuwi. Nag drive na ako pauwi sa condo ko at ng makarating ay dumeritso ako sa floor ng unit ko nasa 45th floor. Pag ka bukas ko palang sa condo ko ay ang madilim na silid ang naabutan ko dahil sa naka patay ang ilaw. Pinindot ko muna ang switch ng ilaw sa malapit sa pintuan at ng bumulas ang ilaw ay agad ko ng isinara ang pintuan bago muling humarap. Nagulatan ako saaking nakita.
Nakaupo ngayon si damian sa sofa habang naka cross ang legs niya at nakapatong ang kamay na sandalan ng sofa na may haway na red wine at pinapaikotikot niya ito. Naka bukas ang tatlong butones ng kanyang loongslevee white polo at nakatupi hanggang siko ang kanyang sleeves at may silver na relo sa kaliwang pambisig. Naka messy hair ang kanyang itim na itim na buhok habang ang kulay emerald niyang mga mata at naka tingin saaking dereksyon ng mariin na parang may kasalanan ako sakanya.
"Damian paano ka nakapasok" gulat na tanong ko.
---
TO BE CONTINUE...#REPLYBOXPOLICY
Sorry if na lalate ako mag update kasi naman super hina ng signal dito sa probinsya namin. Nandito kasi ako ngayon sa probinsya namin kasi dito napagpasyahan nila mama na magstay for the pandemic. Pero don't worry hahanap ako ng paraan para maka update. Lovelots Readers.
HOPE YOU ENJOY IT😊...
BINABASA MO ANG
Burden With Too Much Madness Love (Vampire Series) (Completed)
مصاص دماءTitania Aurelia Sandiego is a kind and Merciful lady, she was very beautiful that every man could drool that even the demon vampire King Damian Sourge Ferragamo was captivated by her beauty and innocence.