Chapter 12

6 0 0
                                    

Chapter 12

<Meeting Lucifer Lordee Mcknight>

~~~

"What the hell dahan-dahan ka sa pag dadrive baka maaksidinte tayo niyan!" ang higpit ng pag kakahawak ko sa seat belt ko dahil sa sobrang bilis niyang mag pa takbo ng kotse. Halos liparin niya na ang daan papunta sa kung saan. Hindi niya pinansin ang sigaw ko at patuloy na nag drive ng mabilis. Parang the flash naming linalagpasan ang mga kotse dahil sa sobrang bilis niyang mag maniho.

Nag taka ako ng makitang sobrang layo na namin sa syudad. Dahil ang nakikita ko na lamang ngayon ay ang mga dahon at puno.

Hindi nag tagal ay huminto ang sasakyan niya sa tapat ng napakalaking gate na kulay pula na may desinyong gold rose. Dahan dahan ito bumukas at tumambad saamin ang napakadilim na kagubatan. Nag tataka kung nilingon si damian na hanggang ngayon ay hindi ako iniimik. "Anong gagawin natin dito?" nag tataka kung tanobg pero hibdi man lang niya ako sinagot maski nilingon. Napapailing ko nalang ibinalik ang aking paningin sa daan.

Hindi alam pero nangingilabot ako. Ang tanging ilaw nmin sa daan ay ang flashlight ng kotse niya. Kahit umaga pa ay parang gabi na dito dahil sa sobrang dilim. Napahinto ang sasakyan dahil may mga lobong naka harang sa daanan. Natakot naman ako dahil marami sila at malalaki. Nakatingin sila sa kotse namin ng masama na parang may ginawa kaming kasalanan sakalina at nakalabas ang matutulis nilang pangil at tumutolo ang laway na parang gutom na gutom. Mapupula rin ang mga mata nila.

"Wag kang aalis dito sa loob ng kotse lock the doors. Baba lang ako para paalisin sila." sabi ni damian habang tinatanggal ay pag kakasuknit ng setbelt niya. Nilingon ko siya ng may pag aalala sa mga mata. "Wag kang bumaba delikado masyado dahil marami sila at mukhang mababangis--" pero hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil naka baba na siya ng kotse at nag lakad papalapit sa kinaroroonan ng mga mababangis na lobo.

Nakatayo lang si Damian doon habang nakapamulsang makatingin doon sa harap ng mga lobo. Nakatalikod siya saakin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Biglang naging maamo ang mga lobo pag katingin sa kinatatayuan ni damian at mabilis na tumakbo sa loob ng gubat. Nag lakad naman papalapit si damian sa kotse at sumakay sa driver seat bago pinaharorot muli ang sasakyan.

"Anong ginawa mo paano mo sila napaalis ng ganon-ganon lang?" nagtataka kung tanong. Nag kibit balikat naman siya. Ilang segundo lang ay may nakita akong black fountain sa gitna na may lumalabas na kulay pulang tubig. At sa likod ng fountain na ito ay may malaking napakagandang mansyon na may mga nakadikit pang statue ng nakakakilabot na nilalang.

Napatingin ako kay damian ng bumaba ito. Kaya sumunod naman ako sakanya at bumaba narin. Lumapit siya sa isang naka black suit na lalaki napakaputi nito at makisig ang pangangatawan at matangkad katulad ni damian mahaba ang pulang buhok na umabot sa ibabaw ng balikat. naka half-ponytail ang buhok nito at may itinira sa gilid ng mukha at kulay itim na itim ang mga mata. Para itong anime sa postura ng mukha nito.

Naguusap silang dalawa ng lumapit ako sa kinaroroonan nila. Napalingon naman sila saakin at mukhang hindi na nagulat ang mukha nung may pulang buhok na lalaki. Napakagwapo nito sa malapitan para itong demi god na ibinana sa lupa. Nakangisi ito ng nakakaloko saakin at inilahad ang kamay.

"Im Lucifer Lordee Mcknight, im Damian's friend" nakangiting pag papakilala nito. Tinanggap ko naman ang nakalahad nitong kamay at ngumiti rin sakanya. "Im Titania Aurelia Sandeigo, Damian's Girl-friend" tumango-tango naman ito at tumingin ng maka hulogan kay damian.

"Let's go inside" yaya ni Lucifer siguro siya ang may ari ng mansyon na parang palasyo kung titignan. Sumunod naman kami sakanya ni damian. Ng maka pasok ay mas lalo akong namangha. Modern-antique style kasi ito. Unang bumungad sa saamin ay ang grand stair case nito  na may napakagandang chandelier sa taas.

Dumiretso kami sa napakalaking sala nito at umupo sa eleganteng sofa. "So na pa dalaw ka?" basag qagad ni lucifer ng makaupo kami. "I need to tell you some important thing's" tumingin saakin si damian na parang sinasabing gusto niyang sila lang ang mag uusap.

Kaya naman tumayo ako at tumingin kay lucifer. "Mag lilibot nalang muna ako dito" nahihiyang pag papaalam ko. Nakangising tumango naman siya. Kaya nilibot ko ang loob ng mansyon. Sobrang laki talaga nito nakarating ako sa garden ng mansyon at may nakita akong swing doon kaya naman umupo ako roon at nag swing. Ang prisko ng hangin dito at masarap mag basa rito dahil sobrang tahimik.

Napaisip tuloy ako.  Ano kayang pinag uusapan nila Damian at Lucifer? Bakit kaya ako isinaman ni Damian dito sa bahay ng kaobigan niya? At bakit parang nangingilabot ako sa pag ngisi ni Lucifer? Ang raming bumabagabag saakin.

Kanina nung nasa bar pa kami ay galit na galit siya nung nakitang nakasandal saakin si patrick aka patricia. Hayss feeling ko tuloy nag seselos siya. Naguguluhan na rin ako kung ano na ba ang relasyon namin dahil may nangyari na saamin and we kiss a lot. Nahihiya naman akong tanongin siya dahil baka isipin niyang  napaka desperada kung tao kaya naman siya nalang ang hinihintay kung mag sabi kung ano relasyon namin. Kaso sinasabi naman siya sakanya lang daw ako napaka unfair naman yun kung sakanya ako dapat akin rin siya.

Hayss napakagulo ng iniisip ko ngayon siguro tatanongin ko nalang siya mamaya. Pero paano? Nakakahiya pero siguro kaylangan kung maging matatag dahil kung hindi baka mahuli pa ang lahat. Napapailing nalang ako sa mga naiisip ko.

Bumaba ako sa pag kakaupo sa swing at nahiga nalang sa damuhan. Hindi naman kasi masyadong maiinit ang sinag ng araw dahil 3:00 pm na. Tinakid ko saaking mata ang kaliwa kung kay at pumikit para matulog muna sandali habng nag uusap pa sila damian at lucifer.

Nagising ako ng madilim na ang paligid at sobrang lamig na ang labas. Bahagya akong umupo at kinuha saaking bag ang aking cellphone at tignan kung anong oras na ba nakita kung 6:50 pm na pala kaya napag desisyonan kung pumasok na sa loob.

Na abutan ko sila damian na nakaupo parin doon sa inuupuan nila kanina at seryosong nag uusap sa patungkol sa kung ano. Biglang tumayo si damian at mariing nakatingin sa kay lucifer. "Huwag na wag kang makikialam Lucifer" madiing sabi niya na may pag babanta ang tunl. Bago lumingon sa kinatatayuan ko at nag lakad palapit sa akin. Hinawan niya ako saaking kamay at hinatak palabas ng mansyon "Let's go" sabi niya bago pumunta sa kotse niya at pinag buksan ako ng pinto at pinasakay. Siya naman ay umikot papuntang driver seat. Pinaharorot niya ang kotse paalis.

Ilang oras lang ang itinagal at nasa tapat na ako ng building ng condo ko. Pumasok ako sa loob at dumeritso sa floor ng unit ko.

---
#REPLYBOXPOLICY

Hey Lodies  medyo matatagalan ako mag update kasi marami akong inaasikaso ngayon. So i try ko nalang isingit ung next update.

Enjoy Reading....

Burden With Too Much Madness Love (Vampire Series) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon