Kababata niya at bestfriend si Renzo Ventura or Renz for short. Halos sabay sila nitong lumaki sa mansiyon nila. Anak ito ng dati niyang yaya na si nanay Luisa na ngayon ay mayordoma na nila. Three years old lang siya nang mag abroad ang una niyang yaya at i-hire ng mommy niya si nanay Luisa bilang kapalit. Stay-in syempre ito kaya ipinakiusap nito kung pwede rin niya isama sa pagtira sa mansiyon ang nag-iisa nitong anak na si Renzo.
Seven years old na noon si Renz pero hindi pa ito nag-aaral. Pagkakita ng daddy ni Shielo rito ay agad nakagaanan ng loob ni Mr. Jem Enreque ang batang lalaki. Si Renz ang tila katuparan ng matagal ng pangarap ng daddy ni Shielo na magkaroon ng anak na lalaki.
Si Renz ang naging tagapagtanggol ni Shielo. Madalas siyang may nakakaaway dahil pasaway nga raw siya. Kaya si Renz ay lagi ring napapaway dahil sa kanya. Kahit kailan ay hindi siya nito iniwan at pinabayaan. Hindi lang siya nagkaroon ng isang kaibigan kundi nagkaroon pa siya ng kuya sa pagkatao ng binata.
Nang makapagtapos ng kursong criminology ay mas pinili ni Renz na tanggapin ang alok ng daddy nya. Na maging driver at personal bodyguard ni Shielo.
Inihinto ni Renz ang kotse sa parking area ng Ian's Bar. Napansin agad ni Shielo ang car ng friend niyang si Chennie o Ching for short.
"Narito na si Ching."
"Yeah, nakita ko rin ang car niya." sabi ni Renz sa kanya.
Pagpasok nila sa bar ay hindi lang si Ching ang naroon. Kasama na rin nito ang isa pa nilang friend na si Stephan o Steph for short.
Paglapit nila sa table na inookupahan ng mga ito ay agad na tumayo ang dalawa at nagbeso-beso sila.
"Why are you late?" tanong ni Steph kay Shielo.
" Nagkaroon ng kaunting aberya sa daan", tugon niya.
Nang maupo na sila saka lang napansin nina Steph at Ching na kasama ni Shielo si Renz.
"Oh, bakit kasama mo si Renz? Hindi ba't ang usapan natin ay lalabas tayo at strictly for girls only?"
"Baka sumama ang loob ni Renz, Steph, alam mo namang pusong mamon ito".
" Joke lang, Renz", biglang bawi ni Stephan. "Sanay na kami sa iyo kaya alam kong sanay ka na rin sa amin ni Ching. Kasi pareho lang naman kaming tatlo na mga pasaway. Pero mas pasaway si Shielo kasi nagmana lang naman kami sa kanya."
Kunwari ay sumimangot si Shielo kaya nginisihan siya ni Steph.
"Anong oorderin nyo ni Renz, Shie?" tanong ni Ching.
"Ladies drink yong sa akin at pineapple juice para kay Renz."
Tinapunan siya ng tingin ng dalawang kaibigan na nabigla sa sagot niya.
"Bakit pineapple juice ang kay Renz?"
"Magdadrive siya mamaya kaya bawal siya uminom,"sagot ni Shielo kay Steph.
Binalingan ni Ching ang waiter. Pagkaalis nito ay saka tumingin sa gawi ni Renz. "Hay naku, Renz. Kung may hidden affection ka kay Shielo ay mag isip-isip ka muna."
"Oo nga," sambit ni Steph. "Ngayon pa nga lang inaunder ka na. Kaya mamili ka na lang sa amin ni Ching."
"Kayo talaga"... naiiling na sabi ni Renz.
" Si Renz na naman pinagtitripan niyo."
"Look who's here."
Sinundan nila ng tingin ang tinitingnan ni Ching. Biglang dumilim ang mukha ni Shielo nang matanaw sa di kalayuan ang ex niyang si Jerry.
Siguro kanina pa sila nakita nito dahil ngayon ay palapit na ito sa table nila.
"Hi, everybody."
"Hi", walang latoy na tugon ni Ching sa pagbati ng lalaki.
Binati rin ito ni Steph. Pero si Shielo ay hindi na ulit tumingin sa gawi ng lalaki.
"Aren't you going to greet me, Shielo?"
"Hi" inis siyang sumulyap dito.
"Bakit pati sa pag go-goodtime ay kasama mo pa rin ang bodyguard mo?", tanong ni Jerry sa kanya.
"It's none of your business. pwede ba umalis ka na? May mahalaga kaming pinag-uusapan at confidential. So... go."
Halatang napahiya si Jerry pero tumango tango pa rin ito. "Okay, don't worry. I will not bother you tonight. May mga kasama rin kasi ako sa kabilang table. Lumapit lang ako para mangumusta. At gusto ko sanang ipakilala sa inyo ang new girlfriend ko.”
"Some other time na lang."
"Yeah, sure. I will drop by to your house one of these days."
Iniwan na sila ni Jerry at bumalik na ito sa sariling table.
"Ang kapal talaga ng face ng ex mong iyon, Ipapakilala ang new girlfriend? Whoah! Walanghiya!" inis na palatak ni Ching.
" Hayaan na lang natin siya sa trip niya. Basta ako masaya na sa pagkawala niya sa buhay ko." wika ni Shielo.
Nang tumingin siya sa gawi ni Renz ay nakita niyang napangiti ito sa sinabi niya. Maya maya ay nagpaalam ito na pupunta sandali sa men's room.
"Buti di kayo nagkakadevelopan ni Renzo?" nang-iintrigang tanong ni Steph sa kanya.
"Hindi kami talo 'no. Mas okay na friends lang kmi. Kasi ang magkaibigan hindi nagbe-break.”
***votes, comments and shares are highly appreciated***

BINABASA MO ANG
"Fixed Marriage "
Roman d'amourAng engrandeng kasalan nina Sammy at Shielo ang isa sa kinaiinggitan ng lahat. Dalawang taong nagmula sa mayamang angkan ang pinag-isa ng sagradong kasal. Nobody knows na ang mga ngiti at kasiyahan ay kunwarian lang. It is only a fixed marriage...