"Finale"

5.9K 115 17
                                    

     Habang sakay ng kotse sina Shielo at Renz ay wala silang imikan. Si Renz ang nagda-drive ng sasakyan at ihahatid siya nito sa airport.

     Hindi na siya napigil ng mga magulang niya. Wala ring nagawa ang mga ito para baguhin ang desisyon niya.

     Hindi na siya nagpaalam kina Ching at Steph. Tatawagan niya na lang ang dalawa kapag nasa States na siya.

     Dikawasa'y nag-ring ang cellphone ni Renz.

     Napasulyap sa gawi niya si Renz.

     "Bakit?"

     "Si Sammy ang tumatawag," anito.

     Biglang kumislot ang puso ni Shielo nang marinig ang pangalan ng asawa niya. Pagkaraan ay napuno ng kaba ang puso niya.

     Bago pa niya napigilan si Renz, nasagot na nito ang tawag.

     "Hello."

     Hindi nagsasalita si Renz, nakikinig lang ito sa kausap.

     "Oo." maya-maya sagot nito na tumatango-tango.

    Nang maputol na ang linya ay agad na ibinulsa ulit ni Renz ang cellphone. Si Shielo ay tumingin sa labas ng kotse upang mapigil niya ang sariling mag-usisa.

    Hindi muna pumasok sa loob ng departure area si Shielo. Naupo siya sa isa sa mga silya roon habang hinihintay si Renz. May bibilhin daw ito sandali. Ang kaso ay di siya makakapasok dahil dala nito ang handcarry niya at naroon ang lahat ng mga papers niya na kakailanganin sa immigration.

     Nang may maupo sa tabi niya at nakita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang handcarry bag niya na hawak nito. Inakala niyang si Renz na ang dumating.

     "Ano ang binili-" Napatigil siya sa pagtatanong nang hindi si Renz ang nalingunan niya sa kanyang tabi kundi si Sammy.

     Titig na titig ang seryosong mukha nito sa kanya.

      "S-Sammy? Anong g-ginagawa mo dito?" kinakabahang tanong niya.

     "I came here for you."

     "Bakit?"

     "Ako dapat ang magtatanong sa iyo ng ganyan Shielo? Bakit ka umalis sa condo at bakit ka aalis ng bansa ngayon?"

     Parang may bumikig sa lalamunan ni Shielo. Bakit pa ito magtatanong ng ganito sa kanya. Bakit pa ito nagmaang-maangan? Bakit kailangan pa siyang saktan at parusahan ng ganito ni Sammy.

     "Bakit Shielo?" ulit na tanong nito sa tanong niya.

     Napakagat-labi si Shielo. Nasasaktan siya ngayon at patuloy na masasaktan. Ang tanging matitira sa kanya ay ang ego niya. Kaya hindi niya aaminin na nainlove siya dito. At hindi niya sasabihin na magkakaanak na sila.

     "Ano pa nga ba ang halaga ng pagsasama natin. Pareho nating alam na sa papel lang tayo mag-asawa. Paano pa ako mananatili sa bahay natin, di ka naman umuuwi doon so bakit ngayon kinukwesyon mo kung bakit ako umalis? Di nga kita tinatanong di ba. Di naman kita pinakikialaman kung di ka umuuwi doon. So dapat patas lang tayo. Tatawagan naman kita kapag nasa States na ako. Iyon ang balak ko. Para ipaalam sa iyo na ikaw na magpa-annul ng kasal natin.

"Fixed Marriage "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon