"CHAPTER 5"

4K 103 5
                                    

     Isang pumpon ng sariwang bulaklak ang bitbit ni Maya nang pumasok ito sa silid ni Shielo.

     "Para kanino yan?"tanong niya.

     "Para ho sa inyo ma'am."

     Nagtatakang inabot ni Shielo ang card na nakaipit sa mga bulaklak. Hindi naman siguro kay Jerry galing ito.

     Shielo,

     I've been waiting for you last

night.

          -S.S.

     Automatikong napakunot ang noo niya sa nabasang initials S.S.? Sinong S.S 'to?

     "Sino ang nagdala nito Maya?"

    "Delivery boy lang ho ang nag-abot nito sa guard.."

     "Pakilagay mo na lang sa vase, Maya."

     Lumabas siya ng silid at bumaba sa dining room. Naroon na ang mommy at daddy niya. Siya na lang ang hinihintay.

     "Good morning dad, mom".

     Humalik siya sa mga magulang bago naupo sa silyang nakalaan para sa kanya.

     "May bisita ulit tayo mamaya, iha"

     Naglagay ng rice si Shielo sa plato niya. "Sino ho,dad?" tanong niya habang kumukuha ng pagkain.

      "Si Don Samonte ulit at ang apo niyang si Sammy. Kaya sana huwag ka munang umalis ng bahay ngayon."  sabi ng daddy niya

     "Oo nga naman anak," segunda naman ng mommy niya. "Gusto ka nila makilala iha, lalo na ng apo ni Don Samonte."

     "Okay po, gusto ko rin sila makilala dad, mom, naiintriga talaga ako kung sino sila." sagot ni Shielo.

     "You will meet them later, iha", sabi ni Mr. Jem Enreque. "Mahalaga na narito ka para magkakilala kayo ni Sammy."

     Susubo sana siya ng kanin ng biglang kumunot ang noo ni Shielo sa sinabi ng ama. "What do you mean by that, dad? Lalaki pala ang apo ni Don Samonte? Akala ko pa naman babae." curious na tanong niya.

     "Ang sabi ko mahalaga na mkilala mo si Sammy hangga't maaga, kasi siya ang nakatakda mong mapapangasawa." diretsong sagot ng kanyang ama na iginagulat niya.

     "Ho?! ano pong ibig niyong sabihin dad? Di ko naiintindihan?" shocked na reaction ni Shielo.

     "Well," napabuntong hiningang simula ni Mr. Enreque bago marahang binitiwan ang kubyertos na hawak. "You know very well na nanganganib bumagsak ang company natin."

     "Yes, aware ako about that dad, but what is the connection sa pagpapakasal ko sa apo ni Don Samonte?" gulat at naguguluhang tanong niya.

"Fixed Marriage "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon