"CHAPTER 4"

4.1K 98 2
                                    

    Nagwisik ng kaunting pabango si Shielo matapos niyang magbihis. Sunday ngayon at ang balak niya sana ay magpahinga lang dito sa bahay. Wala siyang pasok sa office. Isa pa'y nagpaalam sa kanya si Renz na aalis ito dahil may date daw ang bodyguard niya. Kaya lang ay naisipan niyang bigla na lumabas.

     "Ma'am Shielo?".

     "Come in, bukas 'yan."

     Pumasok si Maya sa room niya at parang nagulat ito pagkakita sa kanya.

     "Aalis kayo ma'am?".

     "Why are you surprise? Bawal na ba akong umalis ng bahay?"

     "Kaya nga ako pumunta rito sa room mo ay dahil sa bilin ni Sir Jem".

     "Bilin na ano?"

     "Huwag daw ho kayong umalis dahil may darating siya na bisita mamaya."

     "Bisita naman pala ni Daddy ang darating kaya bakit hindi ako pweding umalis? Hayaan mo siyang mag-eentertain sa mga bisita niya."

     "Eh, ma'am baka ho magalit si Sir."

     "Huwag mo intindihin ang galit ni daddy, hindi naman sa'yo magagalit iyon kundi sa akin."

    "Eh, ma,am-".

     "I don't care!" inis niyang sabi. Medyo napalakas ang boses niya kaya natigilan si Maya. "Wala akong pakialam kung magagalit si Daddy."

    Mahinang tumango si Maya sa kanya. Lumabas na siya ng silid at iniwan ito na sinimulang iligpit ang mga kalat sa room niya.

     Walang nakapansin sa kanya nang lumabas siya ng bahay. Nasa kitchen yata ang mommy niya at ang ibang kasama nila sa bahay. Marahil ay abala sa paghahanda ng masarap na pagkain para sa bisita ng daddy niya. Ang daddy naman niya ay malamang nasa study room nito.

     Nang pasakay na siya sa kotse niya ay saka may pumigil sa kanya.

     "Where do you think you're going?" sita sa kanya ni Renz.

     "Out,"

     "Saan nga?"

     "Wait..." Tinabig niya ng kamay ni Renz. "Hindi ba ako puwedeng umalis kung kailan ko gusto at pumunta sa lugar na gusto kong puntahan?"

     "Hindi pwede kung hindi mo ako kasama."

     "That's driving me crazy, Renz."

     " Nakalimutan mo na ba na kamuntik ka nang makidnap 3 years ago?"

     Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga.

     "I want my freedom back,"mahina pero naiinis pa ring saad niya.

     "What's happening to you? Kanina lang ay okay ka pa naman ah."

"Fixed Marriage "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon