"CHAPTER 9"

3.3K 89 4
                                        

One week lang sila ni Sammy sa Paris. Namamasyal sila roon ng hindi magkasama. Pero mas madalas na pareho silang nasa kanya-kanyang suite lang at nanonood ng movie o natutulog.

Pag-uwi nila ng Pilipinas sa isang condo sila tumuloy. Binili iyon ni Sammy at apat na kwarto. Tamang-tama para sa kanilang apat; siya, si Sammy, si Renz at Maya.

Nanatili si Renz bilang personal bodyguard niya at si Maya bilang katulong nila ni Sammy. Natutuwa siya kahit papaano dahil may matino siyang makakausap sa condo at hindi niya kailangang pagtiyagaang kausapin si Sammy na kahit sweet at caring sa kanya ay naiinis pa rin siya sa di niya malamang dahilan.

Hindi rin siya huminto sa work. Ginagawa pa rin niya ang mga bagay na dati niyang ginagawa noong hindi pa siya ikinasal kay Sammy Samonte.

Lumipas ang mga araw, ang mga linggo at ang mga buwan. Three months na silang kasal ni Sammy at nang dumalaw sila sa mansion ng mga Samonte ay panay ang tanong ni Don Samonte kung magkakaapo na daw ito sa tuhod. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam ang isasagot. Paano nga ba niya ipaliwanag sa mga ito.

Ganoon din ang nangyari nang dumalaw naman sila sa Daddy at Mommy niya sa kanilang mansion. Sabi ng Daddy niya excited na raw ito na magkaroon ng apo. Sana nga raw ay lalaki ang maging panganay nila ni Sammy.

Nainis si Shielo. Alam ng Daddy niya at lolo ni Sammy na hindi sila nagpakasal ni Sammy nang dahil gusto nila at dahil nagmamahalan sila. Kundi dahil sumunod lang sila sa utos ng mga ito. Kaya bakit nag-eexpect ang mga ito na maging normal ang pagsasama nila bilang mag-asawa?

Noong una laging early pa umuuwi si Sammy at lagi itong may pasalubong sa kanya na bulaklak o chocolates pero ngayon medyo nagbago na ito. Nagsawa siguro ito dahil lagi niya ito sinisinghalan tuwing nagiging sweet ito sa kanya. Hanggang isang araw nagising na lang si Shielo na subsob na parati sa trabaho si Sammy. Siya naman nilibang ang sarili. Twice a week ay lumalabas silang magkakaibigan after office hours. Siyempre ay kasama niya lagi si Renz.

Kagaya ngayon. Nag-aya si Chinnie na lumabas sila dahil birthday nito. Kaya pagkagaling niya sa office ay sumaglit lang sila ni Renz sa condo para makapagpalit siya ng damit.

Inabot sila hanggang twelve midnight sa bar. Hindi pa nga sana siya uuwi pero inaya na siya ni Renz dahil late na at may pasok pa siya kinabukasan.

Sakay na sila ni Renz ng kotse nang kunin niya ang cell phone sa bag niya. Saka lang niya nakita na may mensahe pala siya mula kay Sammy kanina pang seven ng gabi.

"I won't be home early, honey. May mahalaga akong aasikasuhin".

So what? Wala siyang pakialam kahit di pa umuwi si Sammy.

Pagdating nila ni Renz sa condo ay agad na siyang nagkulong sa silid niya. Nahiga na siya sa kama at nakatulog agad.

Past three na nang madaling araw ng maalimpungatan siya at namalayan niyang hindi pa pala siya nakapagpalit ng damit. Kaya bumangon siya at nagpalit ng pajamas.

Lumabas siya ng silid pagkatapos ay nagtuloy sa kitchen. Nagtimpla siya ng kape.

Nagtaka siya nang lumabas si Maya at tumungo din sa kitchen.

"Ikaw pala ang narito sa kitchen ma'am?. Ang akala ko si Sir Sammy."

"Bakit?"

"Hindi pa siya umuuwi ma'am. Hinihintay ko nga dahil naiwan niya ang susi niya rito sa sobra sigurong pagmamadali niya kahapon."

"Umuwi na ba siya kahapon dito buhat sa office?" usisa niya kay Maya. Hindi niya alam kung bakit nagtatanong siya tungkol sa mister niya. Kung tutuusin wala naman siyang pakialam dito at higit sa lahat hindi niya ugali ang alamin kung ano ang ginagawa nito dahil wala naman silang pakialaman sa isa't-isa.

"Oho, ma'am. Pero pagdating niya kahapon ay nakatanggap siya ng tawag buhat sa isang nagngangalang Kimmie. Tapos ay nagmamadali na siyang umalis."

Natigilan si Shielo ."Kimmie? Sinong Kimmie iyon?"
Ngayon lang niya narinig ang pangalang iyon at hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya nang ganito.

Kinabukasan wala siyang ganang pumasok sa office pero pinilit niya ang sarili. Kaya lang ay hindi naman siya makapagtrabaho nang maayos kahit na nasa office siya.

Lumilipad ang utak niya. Si Sammy ang laman ng isip niya at ang Kimmie na binanggit ni Maya sa kanya. Gaano ba kahalaga ang Kimmie na iyon sa buhay ng asawa niya? Para di nito maisip umuwi nang magdamag. First time kasi na di umuwi ang asawa niya buong gabi. Kung nali-late man ito dati hanggang eleven lang ng gabi. Laman ng isip niya kung nakauwi na kaya si Sammy sa condo nila ng mga oras na iyon.

Pagsapit ng lunch time ay nagbilin si Shielo sa assistant niya. Magha-half day lang siya. Nagkunwari siyang masama ang pakiramdam. Kahit kay Renz ay pinanindigan niya ang pagkukunwari.

***votes, shares and comments are highly appreciated***

"Fixed Marriage "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon