"CHAPTER 10"

3.3K 96 4
                                    

Wala pa rin si Sammy pag-uwi nila sa condo. Hindi pa rin daw ito umuuwi ayon kay Maya.

Malungkot na pumasok si Shielo sa silid niya at nahiga sa kama. Nasaan si Sammy? Bakit hindi pa ito umuuwi?

Hindi kaya umuwi na ito sa mansion ng mga Samonte?

"Hindi," tanggi ng isip niya. Hindi uuwi roon si Sammy. "This is his home, their home. Mag-asawa kami". ang pilit niya isinasaksak sa utak niya.

Dikawasa'y nag-ring ang cell phone niya. Si Chinnie ang tumatawag.

"Hello, Ching?"

"Hello Shielo. Nakita mo si Sammy sa tv?."

Kinabahan siya. Nasa tv si Sammy? Pero bakit? Nadisgrasya ba ito? Pero bakit walang tumatawag sa kanya to inform her?

"Nasa tv si Sammy? Why? Ano ang nangyari sa kanya?"

"Uyy, worried si Mrs. Samonte. Concern ka na ba sa guapong hubby mo?"

"Cut it off, Ching. What happened to him?"

"So, hindi mo siya napanood sa tv?"

"Hindi nga. Magtatanong pa ba ako kung napanood ko?"

"Wala naman may nangyari sa kanya. Maliban sa inalalayan niya at dinadamayan ang wife ng isang candidate for congressman."

"Wait, Chinnie. I can't understand..."

“Si Mr. Rico Rivas ay isang businessman na kumakandidatong congressman somewhere in SocSarGen area. Kalaban niya sa pagkakandidato ang diumano'y corrupt na congressman doon. Si Rivas ang pinakamahigpit nitong kalaban na kumakandidato sa congressman na kasalukuyang nakaupo roon." kwento ni Ching sa kanya.

"Ano naman ang kinalaman doon ni Sammy?"

"Ang wife ni Mr. Rico Rivas ay nagngangalang Kimmie, Kimmie Chua na dating modelo at dating girlfriend ni Sammy."

"So, ang Kimmie pala na tumawag kay Sammy ay ex-girlfriend niya?"

"Precisely, sis."

"Married na ang Kimmie na iyon, sabi mo di ba?At mag-asawa kami ni Sammy."

"My gosh! Shielo! ang slow mo talaga! In-ambush ang husband ni Kimmie yesterday morning habang palabas ito ng bahay. Biyuda na siya, distressed, malungkot, nalilito, walang makapitan and take note si Sammy nandoon sa tabi niya at dinadamayan siya. Shielo baka nakalimutan mo na sa papel lang kayo mag-asawa ni Sammy. Sabi mo nga before he tried to be sweet with you because gusto niya magwork out ang marriage niyo kahit fixed marriage yon. At ikaw ano ang ginawa mo? Inaway siya at lagi sinisinghalan hanggang sa nagsawa na ang tao."

Napipilan si Shielo. Dating magnobyo ang dalawa. Ngayon ay malaya na si Kimmie. Malaki ang posibilidad na magkabalikan ang dalawa kung sakali. Gaya nga ng sabi ni Ching fake ang pagsasama nila at may kasunduan sila na magpa annul ng kasal after one year. Ang masakit sa kanya nanggaling ang kasunduang iyon.

"Hey! Shielo andiyan ka pa ba? " boses ni Chinnie sa kabilang linya ang nagpabalik kay Shielo sa kasalukuyan.

"Hindi ba naikwento ni Sammy sa iyo ang tungkol sa nangyari kay Kimmie?" narinig niyang tanong ni Ching sa kabilang linya.

"Actually kay Maya ko lang narinig ang pangalan ni Kimmie. Umalis daw kahapon si Sammy pagkagaling sa office. Tumawag daw iyong Kimmie at nagmamadali na itong umalis. At until now hindi pa nga umuuwi."

"Maybe ay magkasama sila ni Kimmie, ano pa nga ba? Siguro inaalo niya si Kimmie at dinadamayan".

Naisip ni Shielo na parang ginagatungan siya ni Ching o pinagseselos. Pero marahil ay iyon lang ang pakiramdam niya dahil totoong bothered siya at nagseselos. Natigilan siya. Nagseselos siya kay Kimmie? Pero bakit? Ibig bang sabihin ay nainlove na siya sa asawa niya? Hindi niya namalayan pero naramdaman na lang niya na kusang dumaloy ang mga luha niya. Pasimple niyang pinahid ang kanyang mga luha at pinilit magsalita ng normal.

"Ching, do you think mahal pa ni Sammy ang Kimmie na iyon?"

"Maybe, kita mo nga nasa tabi siya ng babaeng iyon." sagot ni Ching sa kanya.

Parang piniga ang puso niya kaya tinapos na niya ang pakikipag-usap sa kaibigan.

"Good afternoon, sir".

Dinig ni Shielo ang boses ni Maya mula sa kinaroroonan niya. May kausap ito at hindi naman nito tinatawag na sir si Renz kaya tiyak niyang si Sammy ang kausap nito.

"Good afternoon, Maya" narinig niyang boses ng asawa niya.

"Ah sir, andito ho si ma'am Shielo. Maaga siyang umuwi dahil masama daw ang pakiramdam niya." narinig niyang sumbong ni Maya.

Wala siyang narinig na sagot mula kay Sammy.

Nahiga siya sa kama niya. She's waiting for him to knock and talk to her o kaya ay batiin man lang siya at kamustahin.

Pero mahigit na 15 minutes ang lumipas ay wala pa ring Sammy sa kumakatok sa kwarto niya gaya ng dati. Talaga bang nagsawa na itong suyuin siya? O baka mas matimbang talaga sa puso nito ang Kimmie na iyon?

Napilitan siyang lumabas ng kwarto niya at tumuloy sa kitchen. Kunwari nagtimpla siya ng orange juice.

"Ako na lang ang magtitimpla ma'am Shielo."

"Okay lang Maya. Ako na, kaya ko na ito. Ikuha mo na lang ako ng gamot para sa sakit ng ulo sa medicine cabinet."

"Sige ho ma'am."

Pagkatalikod ni Maya naging mailap ang mga mata niya. Hindi niya makita si Sammy. Marahil nasa loob na ito ng sariling kwarto nito. Bumalik na rin siya sa kwarto niya dala ang juice na tinimpla niya.

Mayamaya ay kumatok si Maya sa kwarto niya dala ang gamot na ipinakuha niya.

"Eto na ho, ma'am."

"Salamat".

"Ma'am dumating na pala si Sir Sammy."

"Oh?"

"Sinabi ko po pala na nandito ka dahil masama ho ang pakiramdam niyo kaya umuwi ka ng maaga."

"Anong sabi niya?"

"Tumango lang ho tapos ay pumasok na sa kwarto niya."

Nasaktan siya sa nalaman. Hindi man lang nag-alala si Sammy sa kanya. Samantalang ang Kimmie na iyon, isang tawag lang dito ay nagkakandarapa na agad si Sammy sa pagpunta sa babae.

***votes, shares and comments are highly appreciated***

"Fixed Marriage "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon