"CHAPTER 13"

3.4K 94 1
                                    

     Habang naglilibot sa mall si Shielo kasama sina Chinnie at Stephan ay lumilipad ang utak niya. Si Sammy ang naiisip niya at naiinis siya sa sarili.

    Pakiramdam niya ay lalong naging malayo si Sammy simula ng may mangyari sa kanila. Nagbago na ito at ramdam na ramdam niya ang pag-iwas nito sa kanya. At nasasaktan siya. Hindi na ito sweet at thoughtful. Mas marami pa nga itong panahon na inilalaan sa Kimmie Chua na iyon kaysa sa bahay nila. Lagi ito lumalabas at gabi na umuuwi. Siguro hindi na talaga maaayos ang pagsasama nila.

     "Kain tayo," aya ni Ching sa kanila ni Steph.

     "Hindi ako nagugutom," tanggi ni Shielo.

     "Manood nalang tayo ng movie," sabi naman ni Stephan.

     "Wala ako sa mood manood ng movie," aniya.

     "Ano ang gagawin natin dito sa mall? Buong araw lang tayong maglilibot at magpapagutom?" reklamo ng dalawang kaibigan ni Shielo.

     "Iwan niyo nalang ako dito. Manood na lang kayo ng sine o di kaya ay kumain." pagtataboy niya sa dalawa.

     "Pwede ka ba naman naming iwan dito nang mag-isa?" tanggi ni Steph.

     Umismid si Shielo. Hindi niya alam kung bakit iritable siya these past few days. Parang lagi siyang stressed at distressed.

     Maya-maya nagpaalam siya sa dalawa na mag CR. Habang sakay siya ng escalator paakyat dahil nasa taas ang comfort room ay natigilan si Shielo nang matanaw niya sa kabilang escalator na pababa si Sammy. At hindi ito nag-iisa. Kasama ng asawa niya si Kimmie at ang two year old son ng ex-gf nito. Ang masakit si Sammy pa ang kumakarga sa bata.

     Pagkapasok niya ng comfort room ay doon nagtagal si Shielo. Doon siya umiyak ng umiyak hanggang sa maubos na ata ang luha niya.

***votes, shares and comments are highly appreciated***

"Fixed Marriage "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon