Nagising si Shielo sa pagriring ng kanyang cell phone. Ayaw niya sanang sagutin iyon dahil kaiidlip palang niya. Pero kung sinuman ang tumatawag ay parang wala itong balak na ipagpaliban ang tawag.
Pilit niyang inabot ang cell phone sa bedside table. Kamuntik pa siyang mahulog sa kama sa pag-abot nito. Ang cell phone niya ang nahulog sa carpet.
"Shit!"
Bumangon siya at dinampot ang cell phone niya. Sinagot niya ang tawag without even bothering na tingnan ang name ng tumatawag.
"Hello?"
"I'm glad you're still awake."
Napakunot ang noo niya. Sino ang hudyong ito?
"Who's this?""It's me... Sammy. Remember?"
“ Ang engot na 'to. Alam ba nito kung anong oras na?” inis sa bulong ni Shuelo sa sarili.
" Yes, I remember you. Wala ka bang suot na wristwatch? Kung wala, I'm sure mayroon namang clock ang phone mo. Lahat ng cell phone ay meron. Kaya tiyak na alam mo kung anong oras na. It's three in the morning. Hindi ba uso sa iyo ang matulog?"
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Sammy mula sa kabilang linya.
"Boyfriend mo ba iyong kasama mo kanina?" tanong nito na ang tinutukoy ay si Renzo.
"Yes," pagsisinungaling niya.
"I see. Puwede ba tayong magkita mamayang gabi?"
"Bakit?"
"Pag-usapan natin ang damage ng car ko."
"Okay. Sabihin mo sa akin kung magkano ba ang dapat kong bayaran para maihanda ko na agad ang pera."
"Pag-usapan muna natin mamaya ang tungkol doon. Then saka pa lang ako magdedecide kung magkano ang dapat mong bayaran. Kaya hindi mo muna kailangang magdala ng pera."
"Sige, just text me kung saan tayo magkikita. Bye," sabi niya saka mabilis na tinapos ang pag-uusap nila. Hindi na niya hinintay na makapagsalita pa ito.
Hindi na mabilang ni Shielo kung nakailang laps na siya. Nang mapagod sa kalalangoy ay nagfloat na lang siya sa tubig.
"I'm back."
Nakapikit siya at bigla lang napadilat nang marinig ang boses ni Renz. Inaninag niya sa dilim ang mukha ng binata dahil nakatalikod ito sa ilaw na nasa di-kalayuan.
"Kumusta ng lakad mo? Magkano raw ang damage ng kotse ng lalaking iyon?" tanong niya at saka siya muling pumikit.
"Tumanggi siyang makipag-usap sa akin."
Muling dumilat si Shielo.This time ay umahon na siya mula sa swimming pool. Inabutan siya ng towel ni Renz.
"What seems to be the problem?"
"Ikaw ng gusto niya makausap."
"Pero ayoko naman siyang kausap kaya sorry na lang siya."
"Hindi raw niya ibabalik ang driver's license mo."
"E'di huwag. Puwede naman akong kumuha ng bago."
Naupo siya sa folding chair at pinaupo niya sa kabilang chair si Renz.
"Hindi ka ba giniginaw? Gabi na pero andito ka pa labas at naligo pa sa pool."
"Naiinitan nga ako kaya ako naligo kahit gabi na."
"Ma'am Shielo-!"
Nilingon ni Shielo ang personal maid niyang si Maya na palapit sa kanila.
"Bakit?"
"Kanina pa ho nagri ring ang cell phone niyo kaya dinala ko na rito."
Kinuha niya ang cellphone mula kay Maya.. Limang missed calls ang nakita niya roon at anim na text. Lahat ay galing kay Sammy.
Ayaw talaga siyang tigilan ng lalaking iyon.
***votes, comments and shares are highly appreciated***
![](https://img.wattpad.com/cover/29979087-288-k412412.jpg)
BINABASA MO ANG
"Fixed Marriage "
RomanceAng engrandeng kasalan nina Sammy at Shielo ang isa sa kinaiinggitan ng lahat. Dalawang taong nagmula sa mayamang angkan ang pinag-isa ng sagradong kasal. Nobody knows na ang mga ngiti at kasiyahan ay kunwarian lang. It is only a fixed marriage...