"CHAPTER 11"

3.3K 91 2
                                    

Nang sumunod na mga araw ay parati nang umuuwi ng gabing-gabi si Sammy. Natuklasan ni Shielo na si Kimmie Chua Rivas na ang pumalit sa kandidatura ng napaslang na asawa. At si Sammy? Lagi pa rin itong nakaalalay sa babae.

"Sigurado ay magpapakasal na ang dalawang iyon kapag ipina-annul mo ang kasal n'yo ni Sammy."

Napatingin si Shielo kay Chinnie nang marinig niya ang sinabi nito. Nasa condo sila ni Stephan. Magbebake raw ito ng brownies at ipapatikim sa kanila.

Nasa kitchen silang tatlo. Tinitingnan niya ang ginagawang pagbe-bake ni Steph upang matuto siya. Samantalang si Renz ay nasa sala at abala sa panonood ng tv.

"Bakit nga pala all of a sudden ay gusto mo matutong magbake? Don't tell me na ipagbe-bake mo si Sammy para magpa-impress? ”tanong ni Steph sa kanya.

"Yes," pag-amin niya.

Nagkatinginan sina Chinnie at Stephan. Pagkaraan ay muling bumaling sa kanya ang dalawa.

"Ibig mong sabihin nainlove ka na sa asawa mo? as in? sis?" gulat na tanong naman ni Ching sa kanya.

"Yes," sagot niya.

Namilog ang mga mata ng dalawang kaibigan.

"Really?" duet ng dalawa.

"Oo nga sabi."

"Kelan pa?" pahabol na tanong ni Steph.

"I don't know," nalilito niyang saad. "Basta nagising na lang ako isang araw na ayaw ko na siya mawala sa buhay ko. Ah, basta di ko talaga alam".

"Kwentuhan mo naman kami ni Steph. May nangyari na ba sa inyong dalawa?" curious na tanong ni Chinnie.

Nagblush siya.

"Crazy!," natatawa niyang sagot. "Magkahiwalay nga kami ng bedrooms di ba?"

"Aba! malay namin kung lumilipat ka ng bedroom kapag tulog na si Sammy no." ani Steph.

Lalo siyang natawa pero maya-maya ay nalukot ang mukha niya nang maalala niya ang babaeng nasa pagitan nilang mag-asawa.

"Pero nalulungkot ako ngayon. Alam niyo bang very thoughtful at sweet si Sammy sa akin dati? Napakabait niya. Lagi siya nagtetext sa akin. Kahit na hindi ako nagrereply sa mga text nya, not even once. Pero siguro nagsawa narin siya sa akin kasi napakamaldita ko pagdating sa kanya. Lalo na ngayon na nagkita sila ng Kimmie na iyon, ang laki na nang ipinagbago niya. Hindi na siya nagtetext at napakadalang niya na kung umuwi sa condo. Kung minsan nga di na talaga umuuwi.."

"Hindi kaya na rekindle ang old flame sa pagitan nilang dalawa, sis? And now they are playing sweet music together?"

Naalarma si Shielo sa sinabi ni Ching. Paano na siya kung totoong nagkabalikan na ang dalawa?

Inalalayan siya ni Renz habang saay sila ng elevator pababa ng building ng condo ni Stephan.

Tipsy siya dahil nakainom siya. Masakit kasi ang puso niya kaya naisip niyang uminom para makalimot sandali. Pagkatapos kasi nilang magbake nakatuwaan ng mga kaibigan niyang uminom. Kaya dinamihan niya ng inom para lunurin sa alak ang sakit at inis na nararamdaman niya.

"I'm happy for you Shielo dahil mahal mo na siya. Sana maging maayos na ang pagsasama niyo at maging masaya ka na." biglang nabanggit ni Renz ng palabas na sila ng elevator.

Sa narinig muling naramdaman ni Shielo ang sakit. "Pero hindi niya ako mahal, ang tanga tanga ko talaga Renz. Sana hindi ko hinayaang mainlove sa kanya. Para hindi ako nasasaktan ngayon."

"Anong malay natin. Kung hindi ka man niya mahal ngayon. Alam ko matutunan ka rin niyang mahalin."

Sa narinig ngumiti siya kay Renz. Medyo hilo na siya kaya nang humakbang siya para maglakad ay muntik na siya mabuwal. Inalalayan siya ni Renz. Napayakap ito sa kanya dahil nabigla ito. Yumakap na din siya kay Renz dahil hilong-hilo na talaga siya. Nang nasa basement na sila ng building kung saan nakapark ang kotse niya ay inihilig niya ang ulo sa dibdib ni Renz. Inalalayan naman siya nito hanggang makapasok sa kotse.

Wala silang kamalay-malay sa pares ng mga matang nakatingin sa kanila ng mga oras na iyon.

***votes, shares and comments are highly appreciated***

"Fixed Marriage "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon