Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ni Sammy sa office niya isang araw. She was surprised when her assistant informed her na naroon nga ang lalaki.
"Should I send him in, ma'am?"
Napabuntong hininga siya.
"Okay, papasukin mo siya."
Naghintay siya ng ilang sandali bago niya narinig na may kumatok at kasunod no'n ay bumungad na sa pintuan si Sammy. May ilang sandali na parang huminto sa pagtibok ang puso niya upon seeing him. "Aware ba ito sa hitsura nito? Napakaguapo niya? " sa loob-loob ni Shielo.
"Hi, honey".
Sinadya niyang sumimangot habang palapit sa table niya si Sammy at hanggang sa makaupo ito sa visitor's chair.
"Pwede ba, huwag mo akong tawaging ganyan. Don't pretend na inlove tayo sa isa't-isa because your only fooling yourself ."
Dume-kwatro si Sammy. " I guess that's the least I can do for you and for myself. Pareho tayong magsa-sacrifice. Ikaw sa kagustuhan ng dad mo at para maisalba ang kompanya niyo. Ako sa kagustuhan ng lolo ko dahil sa pagkakaibigan nila ng daddy mo. Natatakot kang itakwil ng ama mo kaya pumayag kang magpakasal tayo."
Sumandal si Shielo sa swivel chair niya at humahalukipkip habang nakikinig sa mga sinasabi ni Sammy.
"Ganoon din ako."sabi ulit ng lalaki. "Hangad kong hindi mapunta kanino man ang pagmamana sa pagiging chairman ng Samonte Holdings, Inc. Dahil alam kong isa sa mga kapatid at mga pinsan ko ang pwedeng piliin ng lolo ko oras na sumuway ako sa utos niya. It's still my right to inheret the position as an oldest grandson of Samonte clan. That's the reason why I agreed to marry you para di mapunta sa iba ang posisyon na para sa akin."
"So, what are you trying to say?"
"It's simple. Sa halip na mag-away tayo bakit hindi tayo magkasundo?"
"Magkasundong ano?"
"Na maging magkaibigan. Maging magkakampi at hindi magkaaway. May kanya-kanya tayong pansariling interest..so... pwede naman siguro tayo magkasundo to work it out- our marriage...i mean."
"No way na makikipagsundo ako sayo."
"Why not? Kahit na ayaw natin pareho ay kailangan natin magpakasal. So let's just pretend na gusto natin ang pagpapakasal. Believe me, mas magaan iyon sa pakiramdam."
"Will you leave me alone now? You're disturbing me. Oras ng trabaho ko ngayon."
"Okay honey. Aalis na ako. Take care, okay?"
Tumindig na si Sammy at lumabas ng private office ni Shielo. Matagal nang nakaalis ang lalaki pero iniisip pa rin ni Shielo ang mga sinasabi nito.
Laman sina Sammy Samonte at Shielo Enreque ng ilang kilalang newspapers. Mula sa engagement nila at hanggang sa napipintong pagpapakasal. Nafeature din sila sa isang sikat na magazine. It was out in the market a few days before their wedding.
BINABASA MO ANG
"Fixed Marriage "
RomanceAng engrandeng kasalan nina Sammy at Shielo ang isa sa kinaiinggitan ng lahat. Dalawang taong nagmula sa mayamang angkan ang pinag-isa ng sagradong kasal. Nobody knows na ang mga ngiti at kasiyahan ay kunwarian lang. It is only a fixed marriage...