Napansin ni Shielo na panay ang lingon sa kanya ni Renz habang nagdadrive. Kaya itinuro niya sa binata ang kalsadang tinutumbok nila.
" Magdrive ka lang", sabi niya rito. "Baka mabangga tayo."
"Nag-aalala lang ako sayo."
"Bakit naman?"
"Baka maglasing ka."
Napasimangot si Shielo sa sinabi ni Renz. Hindi niya talaga nagustuhan ang narinig.
"You mean, you were thinking na magwawala ako?."
"Hindi naman sa magwawala. Baka lang maglasing ka."
"Parang pareho lang yata yon. Kasi iyong mga nalalasing na tao ay hindi na nila alam ang ginagawa kaya malamang sa hindi ay magwala sila. Pero kung iinom ka lang ng konti ay maki-carry mo pa rin ang sarili mo," wika niya.
"Okay, iinom ka lang ng kunti?"
"Yes."
"Gaano kakonti?"
Napahumindig siya sa tanong na iyon ng binata.
"Bakit ba, ha? You sound like my dad."
"Ma'am Shielo-"
"Huwag mo nga ako asarin," inis niyang sita kay Renz.
Napangiti ito ng maluwang nang sumulyap sa kanya at napansing nakasimangot siya.
"Okay, sorry na. Basta huwag kang iinom ng marami. At iyong tungkol sa sira ulong ex mo, forget him. He doesn't deserve to have you".
"I know. Saka hindi ko na siya iniisip no!. It's been two months mula ng mgbreak up kami. Hindi ko lang basta natanggap iyon, pero nakapagmove on na ako."
"That's good to hear."
"Hinihintay ko na lang ngayon na magkaroon ka ng lakas ng loob."
Automatikong napakunot noo si Renz sa sinabi niya.
"Magkaroon ng lakas ng loob para saan?" maang nitong tanong.
"Na manligaw sa akin," mabilis niyang sagot. Nagbibiro siya ng sabihin iyon kaya binuntutan niya ng tawa ang sinabi.
Nagtaka siya nang ihinto ni Renz ang kotse sa isang tabi.
"Bakit ka huminto?"
Sa halip na sagutin ang tanong niya ay matamang tumitig ito sa kanya.
"Are you serious?"
"Saan?"
" Sa sinabi mo na hinihintay mo lang na magkaroon ako ng lakas ng loob na ligawan kita."
BINABASA MO ANG
"Fixed Marriage "
RomanceAng engrandeng kasalan nina Sammy at Shielo ang isa sa kinaiinggitan ng lahat. Dalawang taong nagmula sa mayamang angkan ang pinag-isa ng sagradong kasal. Nobody knows na ang mga ngiti at kasiyahan ay kunwarian lang. It is only a fixed marriage...