Iba-iba ang mixed drinks na inorder ni Shielo. Medyo hilo na siya. Ang pang-apat na inorder niya sa waiter ay naubos narin niya.
Nakamata lang sa kanya sina Ching at Steph.
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala ni Ching na malapit ka na ikakasal, sis."
"Kayo lang ba? Hindi rin ako makapaniwala. Imagine? Magpapakasal ako dahil iyon ang utos sa akin ni Daddy dahil kung aayaw ako he will going to disown me."
"Grabe naman."
"Talagang grabe. Ang pinakagrabe pa ay kakikilala ko lang doon sa taong gusto ng daddy na pakasalan ko. I don't love him and I don't even like him."
"Hindi na uso ang arranged marriages or fixed marriages 'di ba?" hirit naman ni Ching.
"Yes, it seems so old-fashioned nowadays. It is more like a thing of the past, a fairytale, a children's story." sambit naman ni Shielo bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Chinnie.
"And hello? Dito sa atin sa Pilipinas ay pinapraktis lang ang arranged marriages ng mga families with chinese descent. The common reason for keeping the tradition is to merge the wealth of the two families involved inorder to reach a higher status as well to enhance influences in society." wika ni Stephan.
"Pero sabihin mo sa amin ni Steph, Shielo” sabi ni Ching.
"Ang ano?"
“ Si Sammy Samonte. How does he look like?"
"He's tall. Six-three ang height. Mukhang kapre," naiirita niyang sagot.
"Hindi siya guapo?"
Umiling siya. "No, imaginen niyo na lang ang itsura ng kapre, yon na yon".
"Ni hindi cute?"
"Hindi nga!" inis niyang pakli sa kakulitan ng mga kasama.
Nag-order pa siya ng isang drink.
"Talagang trip mo magpakalasing ngayon 'no?"
"Steph, pwede bang doon ako matulog sa condo mo later?" pakiusap niya sa kaibigan.
Napatingin ito kay Renz. "Paano si Renz?"
"Ihahatid niya lang ako sa condo mo then uuwi na siya sa bahay. Ayaw ko munang umuwi eh."
“Oh, sige."
Nang iserve ng waiter ang drink ni Shielo ay agad niya itong nilagok. Hindi niya napansin ang pagsulpot sa bar ni Sammy, maging nang tapikin nito sa balikat si Renz.
Marahang tumindig si Renz at lumipat sa sofa na inuupuan nina Chinnie at Stephan. Si Sammy naman ay naupo sa tabi ni Shielo.
Wala pang kamalay-malay noon si Shielo na si Sammy na ang katabi niya sa sofa at hindi na si Renz. Ang dalawa niyang kaibigan ay tila naengkanto na nakatulala sa bagong dating.
BINABASA MO ANG
"Fixed Marriage "
RomanceAng engrandeng kasalan nina Sammy at Shielo ang isa sa kinaiinggitan ng lahat. Dalawang taong nagmula sa mayamang angkan ang pinag-isa ng sagradong kasal. Nobody knows na ang mga ngiti at kasiyahan ay kunwarian lang. It is only a fixed marriage...