"CHAPTER 14"

3.8K 95 2
                                    

     Titig na titig si Shielo sa resulta ng pregnancy test niya. It's positive. She's pregnant. Pero ang mister niya ay mukhang wala nang pakialam sa kanya. Hindi na ito nag-aksaya ng panahon at oras para maayos ang pagsasama nila. Paano? Malaya na ang ex nito na halatang mahal parin ni Sammy. Kaya siguro wala na itong pakialam kung ipapaannul niya ang kasal nila.

     Isa lang ang sigurado siya sa mga oras na iyon. Wala siyang lugar sa puso at buhay nang isang Sammy Samonte. Ganoon din ang magiging anak nila. Kahit masakit. Kahit mahal niya na si Sammy ay kailangan niya na itong palayain.

     Sana lang hindi siya makalimutan ni Sammy na minsan sa buhay nito ay may isang Shielo na dumaan sa kanyang buhay.

    Nakapagdesisyon na siya. Aalis siya sa condo nila. Babalik siya sa kanilang mansion. Lagi naman wala ito kaya ano pa ang silbi na manatili siya. Lingid sa kaalaman ng lahat ready na ang lahat ng papers niya papuntang states. Kinabukasan na ang flight niya. Uuwi muna siya sa kanila para pormal na magpaalam sa mga magulang niya.

     Saka na niya tatawagan si Sammy para ipa-annul ang kasal nila kapag nasa states na siya. At ang anak nila? Mananatiling sekrito niya. Saka na niya ipapaalam sa mga magulang niya kapag nakapagmove on na siya.

     Gulat na gulat si Mrs. Shine Enreque nang makita ang dala-dalang suitcase ni Renz at overnight bag.

     "Kanino ang mga iyan Renz?"

     "Kay Shielo ho tita."

     "Kay Shielo?" maang na sambit ni Mrs. Shine Enreque.

     "Oho."

     "Bakit ano ang nangyari?"

     Napakamot ng ulo si Renz. Hindi nito alam ang isasagot ng mga sandaling iyon.

     Saka naman pumasok ng bahay si Shielo na may bitbit din na malaking bag.

     "Ano ang ibig sabihin nito, iha? Bakit parang hinakot mo na ata ang lahat ng gamit mo? Don't tell me na iniwan mo si Sammy?"

     "Papanhik muna ako sa kwarto ko Mommy, saka na tayo mag-uusap."

     "Shielo-!"

    Dikawasa'y lumabas si Mr. Jem Enreque.

     "Bakit?" maang na tanong nito sa kabiyak.

     "Dumating si Shielo bitbit ang lahat ng gamit niya."

     " Hayaan na muna natin ang anak natin. Baka nagkaroon lang sila ng tampuhan ni Sammy.”

     Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Shine.

     "Iyang anak mo talaga, kahit kailan matigas ang ulo," anito. "Manang-manang sa iyo."

     Napatitig si Jem sa asawa.

     "Sa akin? "sabay turo sa sarili.

     "Kanino pa ba? Eh, pareho kayo na matigas ang ulo."

     Nang nasa loob na ng silid si Shielo ay hindi niya napigilang umiyak. Kahit galit siya kay Sammy dahil sa pambabalewala nito sa kanya ay hindi pa rin niya maidedeny sa sarili na talagang minahal na niya ito. Di niya alam kung paano at kailan.

     Nakakalungkot lang isipin na kailangan niyang lumayo. Pero kahit nasa malayo na siya ay alam niyang lagi niyang maaalala si Sammy. Lalo na at nasa sinapupunan niya ang buhay na alaala nito sa kanya.

     Sana sa pag-alis niya matagpuan na ni Sammy ang kaligayahang hindi nito naramdaman simula ng dumating siya sa buhay nito.

     Balang araw ay batid niyang malalagpasan niya rin ang sakit na dinaranas niya ngayon. Sana...

***votes, shares and comments are highly appreciated***

"Fixed Marriage "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon