Napapikit nang mariin si Shielo nang marinig niya ang boses ng Daddy niya na binabati ang mga bisitang dumating. Palabas siya noon mula sa room niya pero bigla siyang napahinto. Pagkaraan ay narinig niya ang ibang boses, hindi lang isa kundi dalawang boses na hindi pamilyar sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin nito dumating na si Don Samonte at ang apo nito. "Totoo bang nangyayari ito? Hindi ba ito isang panaginip lang?"
"Ma'am Shielo?"
Boses ni Maya ang narinig niya. Nakapikit siya kaya hindi niya ito nakikita. Pero alam niyang malapit lang ito sa kinatatayuan niya.
"Ma'am okay lang ho kayo?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Dumilat siya, nakatayo si Maya ilang dipa mula sa kinatatayuan niya. "O-oo. Medyo masakit lang ng ulo ko."
"Ganoon ba? Pero ma'am pinatatawag na ho kayo ni Sir Jem at Maan Shine na bumaba."
"Salamat Maya, susunod na ako maya-maya."
Naunang bumaba si Maya. Ilang beses na pinuno ni Shielo ng hangin ng dibdib. Pampalakas loob
"Kaya mo 'to, Shielo," alo niya sa sarili. "You should not be affected. Take it easy. Kunwari'y trabaho lang 'to."
Isang maalim na buntong-hininga ang muli niyang pinakawalan bago niya tinungo ang hagdanan at nagsimulang humakbang pababa. Ang lakas ng tibok ng puso niya habang pababa siya. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya doon. Pero dumoble pa ng nerbiyos niya nang matuon sa kanya ang tingin ng apat na taong nasa sala nila- ang Dad niya, ang Mom niya, isang matandang lalaki na tantiya niya ay nasa mid 70's na siguro, siguro siya itong si Don Samonte at isang laking parang pamilyar sa kanya.
"OMG! As in oh, my God talaga!
"Ito si Sammy Samonte na eldest grandson ni Don Samonte?" Nanlalaki ang mga mata niya. She was not only surprised, she was really shocked. Dahil ang apo pala ni Don Samonte at ang may-ari ng kotseng nadisgrasya nila ni Renz two weeks ago na hindi niya sinipot nang gustong makipagkita sa kanya para pag-usapan ang damage ng car nito-ay iisa. Ang akala pa naman niya magkapangalan lang.
"Heto na pala ang unica hija ko," buong pagmamalaking sabi ni Mr. Enreque.
Ngumiti si Sammy bago ito tumindig at lumapit sa kinaroroonan niya. Nataranta naman si Shielo. Before she knew it, nasa harapan niya na ang lalaki at inaabot nito ang kamay niya upang alalayan siya.
"Hi."
Magagalit ang daddy niya kapag sinupladahan niya si Sammy. Hindi lang si Sammy ang mapapahiya kapag tumanggi siyang tanggapin ang kamay nito. Pati siya, ang Daddy at Mommy niya ay mapapahiya. Kaya iniabot niya ang kamay ng lalaki. "Hi," tugon niya sa pagbati nito. She was literally shaking. Ninenerbiyos talaga siya pero parang OA naman ang kabang nadarama niya. Nanlalamig ang mga kamay niya at nakakabingi ang lakas ng tibok ng puso niya.
"Natanggap mo iyong flowers na ipinadeliver ko kanina?".
Sandaling natigilan si Shielo at maang na napatingin sa lalaki. Dito pala galing ang pumpon ng mga bulaklak na binigay ni Maya kanina sa room niya? Ito si S.S?
Yeah malinaw na ngayon ang lahat sa kanya. S.S. ang initials nito. Sammy Samonte.
***votes, shares and comments are highly appreciated***
BINABASA MO ANG
"Fixed Marriage "
RomanceAng engrandeng kasalan nina Sammy at Shielo ang isa sa kinaiinggitan ng lahat. Dalawang taong nagmula sa mayamang angkan ang pinag-isa ng sagradong kasal. Nobody knows na ang mga ngiti at kasiyahan ay kunwarian lang. It is only a fixed marriage...