"CHAPTER 12"

3.4K 94 2
                                    

    Ipaglalaban niya ang nararamdaman niya, ang pagsasama nila ni Sammy, ang marriage nila. Sisikapin niyang maging mabuting asawa para kay Sammy. Bibihagin niya ang puso ng lalaking pinakasalan. Hindi siya magpapaannul ng kasal kahit kailan. Maging maayos at normal ang pagsasama nila. Nakatulog si Shielo na iyon ang laman ng isip niya.

    Lingid sa kaalaman ni Shielo sinundan ni Sammy ang asawa. Kitang-kita niya kung gaano kalapit ang asawa niya kay Renz. Sa simula pa lang noong una niyang makita si Shielo kasama si Renz alam niyang ito ang maging kaagaw niya.

     Bago umuwi ipinasya niyang dumaan muna sa bar para uminom at lunurin sa alak ang selos na nararamdaman.

     Pagdating ni Sammy sa condo  hilo na siya. Ipinasya niyang sa kwarto ni Shielo dumiritso. Nang subukan niyang buksan, swerteng di nito nai- lock ang pintuan.

     Dahandahan niyang isinara ang pinto at inilock. Tulog na si Shielo at nakaharap ito mula sa kinatatayuan niya. Nilapitan niya ito. Umupo siya sa gilid ng kama.

     Titig na titig si Sammy sa misis niya habang nakahiga at mahimbing na natutulog ito. He couldn't resist tracing her face. Napakaganda ng asawa niya at napakaamo ng mukha. Kaya lang di manlang niya ito mahawakan. Inis kasi ito sa kanya sa di niya malamang dahilan. Kung malalaman nito ang sekrito niya baka kamumuhian siya nito.

     Sammy has been attracted to his wife ever since he first saw her. Ngayon malalim na ang nararamdaman niya para sa asawa. At natatakot siya hindi para kay Shielo kundi para sa sarili niya. Paano kung dumating ang panahon na di na niya kakayanin na mawala ito sa buhay niya? Malapit na dumating ang palugit na ibinigay nito para ipa annul ang kasal nila, pero hindi pa niya nagawang paibigin ito. Siguro tama nga ang ginagawa niya na pag-iwas dito nang hindi siya masyadong masaktan kapag nawala na ito sa buhay niya.

     Naalimpungatan si Shielo. Naramdaman kasi niya na may humahaplos sa mukha niya.

     Dumilat siya. Nagulat siya ng makita si Sammy na nakatunghay sa kanya.

     "S-Sammy?"

     Nakangiti ang lalaki sa kanya. Namumula ang mukha nito dahil mukhang nakainom. His male aura kept her aware and tense.

     "Pwede bang dito ako matulog sa room mo ngayong gabi? Please..."

     "Ha?" gulat na tanong ni Shielo.

     "Malaki naman ang kama mo."

     "Sige".

     Mabilis na umusog si Shielo sa kabilang side at tumagilid ng higa patalikod kay Sammy.

     May pilyong ngiting sumilay sa mukha ni Sammy. The thought of pulling her into his arms was too tempting. Dahan-dahan niyang idinantay ang mga kamay sa braso ng asawa. Napakislot ito. Kinabig niya ito paharap sa kanya, urging her closer.

     Nang humarap ito ay di na nakapagpigil si Sammy. He kiss her and he was just surprise when his wife kiss him back too.

     "I want you, honey. I need you. May karapatan na tayo sa isa't-isa na gawin ito."

     Hanggang namalayan nalang nilang dalawa na ipinagkaloob ang sarili sa isa't-isa.

    It was blissful. And they sleep together that night.

     Almost five na ng umaga nang magising si Shielo. Tulog na tulog pa ang asawa niya. Dahan-dahan siyang bumangon at pumasok sa bathroom.

     Habang nagbibihis siya ay naisip niya ang nangyari sa kanila ni Sammy last night. Pero wala siyang pinagsisihan. Isa pa kasal na sila at wala namang mali sa nangyari.

     Paglabas niya ng bathroom. Nakatagilid ng higa si Sammy patalikod sa pwesto ni Shielo. Lumigid siya sa kabilang side ng kama. Lumuhod siya at tinitigan ang guapong mukha ng asawa habang masuyo niyang hinahaplos ang buhok nito, ang pisngi, ang noo.

     "I love you, Sammy," bulong niya sa isip bago ginawaran ng halik ang noo ng lalaki.

     Bahagyang umungol si Sammy pero di naman ito nagising. Naglakad na siya palabas para mag-almusal at pumunta sa office niya ng may ngiti sa labi.

***votes, shares and comments are highly appreciated***

"Fixed Marriage "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon