Chapter One

8.9K 144 15
                                    

"SIGE na Beh, join na tayo sa Grand Alumni Homecoming ng SAU. Gusto ko lang malaman kung single pa ba si Gabriel my labs ko," ungot kay Cherry ng kaibigan niyang si Gail. 

Mula noong kolehiyo hanggang ngayong kapwa professional architechs na silang dalawa ay magkasama pa rin sila ni Gail. Katunayan ay "Beh" ang tawagan nilang dalawa. Nasa iisang architechture firm sa Makati sila pumapasok at magkasama din sila sa isang rent to own condominium na hunuhulugan nila buwan-buwan. 

Pitong taon na rin silang namamasukan ni Gail sa Makati. Pagka-graduate nila ng kolehiyo sa San Agustin University ay agad silang kinuha ng isang architechtural firm.  Nagustuhan daw ng kumpanya ang kanilang thesis design. Magka-partner kasi sila noon kaya agad silang nagkaroon ng job offer. 

Rest day nila ngayon kaya nasa sala sila ng kanilang condominium. Nagtitiklop ng mga tuyong damit si Gail habang siya naman ay nakaharap sa kanyang Macbook. Tinatapos niya ang isang project dahil ayaw niyang matambakan ng trabaho sa lunes. Tapos naman na kasi siyang maglaba at magplantsa ng kanyang mga damit kaya trabaho na lang ang inaatupag niya ngayon. 

"Siguradong taken na iyon ngayon, Beh. Seven years na tayong hindi uma-attend ng reunion kaya imposible namang wala pang nakabingwit kay Gabe mo," sagot niya habang kino-convert sa 3D ang ginawa niyang design sa AutoCAD.

Noong nakaraang linggo pa kasi nito binanggit sa kanya ang tungkol sa grand alumni homecoming ng SAU. Parehas silang nakatanggap ng invitation sa facebook tungkol sa even na iyon pero hanggang ngayon ay hindi niya pinapansin.

College pa lang sila ay patay na patay na ito kay Gabriel Hernandez o Gabe. Siya din naman ay nagka-crush kay Gabe kaso sa hindi niya malamang kadahilanan ay nabaling sa iba ang pagtingin niya. She got attracted to the most unlikely creature in planet Earth. Someone she doesn't even want to remember now. Kahit ang pangalan nito ay off limits sa bawat sulok ng unit nila. 

"Well, kahit na. Gusto ko pa ring pumunta. Hindi mo man lang ba nami-missed ang alma matter natin? Andami ko kayang magagandang memories doon. Lalo na sa Venus Garden. Sana maayos pa iyon hanggang ngayon," anito.

Hindi siya sumagot. May isang mapait na alaalang biglang sumingit sa kanyang isip dahil sa tanong nito. Tila naririnig pa niya sa isip ang sinabi ng lalaking minsang niyang minahal. Mga salitang hindi siguro big deal para dito ngunit napakasakit na para sa kanya. Lalo pa at marami ang nakarinig sa sinabi nito noon.

"Kain ka kasi ng kain, eh. Ayan tuloy, sumasakit na ang tiyan mo. Mag-diet ka kasi pag may time."

Kahit pala ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nagbabago ang epekto sa kanya ng ala-alang iyon. Those were just simple and nonsense words. It shouldn't have bothered her that much. It shouldn't have affected her the way it had affected her before and yet it did. Even until now, she could still feel the gradual shattering of her heart before the peices exploded.

Because those words came from the mouth of the man she had once trusted. The man she thought was her real friend. The man who asked her to be his date on their prom but never really meant it. Dahil pagsapit nila ng araw na iyon ay ibang babae ang ka-date nito.

Lucas Oliver Ybanez.

Her first love, first kiss and first heartache all rolled into one. Ang nag-iisang nilalang na ayaw niyang makita hindi lang sa San Agustin University kundi sa buong San Agustin mismo. The one who promised never to fall in love with her once upon a time. The same man who stole her first kiss...

"O, hindi ka na nakasagot diyan? Ano na? Join na kasi tayo, sige na," pangungulit ni Gail.

"Aksaya lang sa pamasahe iyon. Mahal ang plane ticket ngayon dahil peak season," palusot niya. Lihim siyang humiling na sana ay tigilan na siya nito.

One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon